chapter 10

1.5K 43 7
                                    

____CHAPTER 10____

"YAAAAAAAHH!!" tumakbo na ulit ako at sinugod siya ng suntok. Pero nabigla ako nang sanggain niya mismo ng dalawang mga kamay niya ang suntok ko. Tapos ay hinila niya yun at tinuhod ulit ako sa sikmura. Tatlong beses yun kaya sobrang namilipit ako sa sakit.  Sumipa ulit siya, yung sipa gaya nung kanina na hindi niya tinuloy. But this time, nasalo ko na ang paa niya.

I smiled at her. "Hehe, akala mo madadale mo ulit ako?"

Naasar siya sa sinabi ko, pero ngumiti rin siya kaagad.

Tapos ay yung kabilang paa naman niya ang bigla niyang ginalaw at sumipa paikot patungo sa mukha ko.

"AAAAH!!!" nabitawan ko ang isang paa niya't hinawakan ko ang sentido ko na tinamaan ng sipa niya.

Pero pinilit kong indahin ang mga yun tapos ay kinabig ko siya palapit sa'kin. Nang makulong ko siya sa mga bisig ko'y hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya, sanhi upang mahirapan siyang gumalaw at huminga.

Pinilit niya ulit pumiglas pero dahil sa lakas ko'y hindi niya nagawa. Pero bigla niyang pinulupot ang isang binti niya sa kaliwa kong paa. Tapos ay hinila niya yun kaya natumba ulit kaming dalawa sa sahig. Ngunit ngayon ay ako naman ang nasa ilalim niya.

Bigla niyang nilagay ang isang braso niya sa leeg ko kaya nahirapan akong huminga. Diniinan niya pa ang pagtulak kaya hindi na ako halos makapagsalita.

"Ano? Akala ko ba'y tatalunin mo ko?" saad niya.

Pero kahit hindi niya kunin ang braso niya sa leeg ko'y hindi parin ako susuko.

Ang akala ko'y katapusan ko na. Pero bigla niyang kinuha ang braso niya sa leeg ko kaya nakahinga na ulit ako.

Pero sunod-sunod naman na suntok sa mukha ko ang binitiwan niya. Bawat suntok, masakit. Magkabilaan ang naging mga suntok niya.

"C'MON!! PUNCH ME MORE!!" hinamon ko siya. Nginitian ko pa siya kaya naasar siya't sinuntok-suntok pa ako sa mukha.

Kaliwa.

Kanan.

Kaliwa.

Kanan.

Maraming dugo na ang lumalabas sa bibig at ilong ko. Pero wala akong pakialam. Napipikon siya sa'kin, at gusto ko yun.

I smiled at her, then she punched me even harder.

"IS THAT ALL YOU'VE GOT, PILLOW PUNCHER?? You SUCK!!!"

At mas dumilim pa ang mukha niya sa galit.

That's more I like it.

"GO TO HELLLL!!!" nakita ko ang kamao niyang punong-puno na ng dugo ko. Mukhang yun na ang magiging pinaka-malakas niyang suntok.

Tatanggapin ko yan at patutunayan ko sa Geek na 'to na mas malakas parin ako sa kanya!

Tinigasan ko ang mukha ko't naghanda sa papalapit niyang suntok.

The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon