"Wow..ang cute naman ng bahay mo!" I was so impressed when I saw her home. It was not that big. But good enough for a solo boarder like her. "You own this?" I asked.
"No. Sa tita ko ‘to."
"Oh." Tamang-tama lang ang sukat ng sala. Kasangkapan lang ang pagitan niyon sa kusina. Sa kabilang side ko nama'y may tatlong pinto na nakaharap sa isa't-isa. Obviously C.R. ang nasa kaliwa ko.
"Sa'n ang kuwarto mo?" tanong ko sa kanya.
"Iyang kuwarto katapat ng banyo." sagot niya mula sa kusina. Agad ko siyang pinuntahan at nakita kong naghahanda siya ng hapunan.
"Want me to help?"
"No thanks." sagot niya nang hindi lumilingon sa 'kin. Kaya napa-pout ako. Pero okey lang, hindi rin naman ako marunong magluto eh.
Katahimikan.
Nararamdaman kong parang ayaw niya talagang nandito ako, ah. Honestly kung hindi ko pa siya pinilit kanina ay hindi rin siya papayag. Pero hindi niya ako mapipigilan sa pakikipag-kaibigan sa kanya, hehe.
"Uhm..mahilig ka palang magluto?"
"Hindi. Marunong lang."
"How did you learn?"
"Cook book."
"Really? Ang galing mo naman!"
"Not really. I'm just following instructions."
While she's answering my queries, she's not even looking at me. Grabe siya, hindi ko maiwasang mairita na, ha. Pero hindi parin ako susuko sa pakikipag-kaibigan ko sa kanya.
Go Kylie, push pa!
Dahil busy siya sa pagluluto, pinasya ko nalang na pumunta sa sala niya. Ang cute ng mga gamit niya! Mula sa entertainment set, sofa, table, hanggang sa mga display niya. Ang malaki lang ay ang bookshelf niya na nakadikit sa pader.
Grabe,..hindi lang siya geek, bookworm din siya. Ang dami niyang books, eh. Mula sa pagkaka-upo ko sa cute niyang sofa ay tumayo ako't siniyasat ang bookshelf niya. Bukod sa mga naka-volume na encyclopedia at dictionaries, puro mga mystery novels at spy books na ang meron sa mini library niya. Wow. Mahilig pala siya sa mga krimen at pag-e-espiya. Wala sa sariling nailagay ko ang isang kamay ko sa baba ko. Marahil kaya wierdo siya ay dahil masyado na siyang na-impluwensyahan ng mga librong binabasa niya.
Bumalik na ako sa cute niyang sofa at binuksan ang TV niya. Hindi naman siguro siya magagalit, hehe. Wala pang isang oras ay tinawag na niya ako para maghapunan.
"Hala, talagang kasama ako sa dinner na 'to? Baka wala na 'to sa budget mo?" alala kong tanong 'kunwari'sa kanya.
"Ayos lang."
"Talaga?"
Tumango siya. Abot-tenga ang naging pagngiti ko sa sagot niya. At kumain na nga kami.
"Hmmm...Ang sarap mong magluto, Penelope!" Sinigang na bangus ang niluto niya, and it’s so good!
"I can't believe that you're this good, Wow!" amazed na amazed kong kumento sa kanya.
"Thanks." pormal niyang sagot. At habang kumakain ako'y nakita ko ang reaksyon niya. Bahagya siyang natatawa. At ewan, nakakahawa ang tipid niyang tawang iyon.
"Sarap!" malinis na malinis ang plato ko pagkatapos kong kumain. Hinimas-himas ko pa ang tiyan ko. "Ang sarap mong magluto, grabe. Nakakagana!"
"Thanks. Mabuti naman at nagustuhan mo." sagot niya sabay ngiti nang matipid.
Haay..tinitipid talaga ako nito ah. Tipid nang magsalita, tipid din kung ngumiti. Pero naiiba parin siya. She has this aura na parang lahat ng mga sasabihin niya'y makabuluhan lahat. And like, she's not wasting any of her time...na parang lahat Ng gagawin niya ay dapat makbuluhan at productive siya...parang ganun.
Ang galing niya. And to think that she's on her own for years now, nakaka-bilib talaga. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit sa kanya. Malaya kasi siya. Magagawa niya ang lahat ng gusto niya nang walang gumagambala't pumipigil sa kanya. Sana balang-araw ay maging katulad niya ako. Magaling, responsable, at independent. Not to mention her beauty. She's a charmer, actually. Maliit ang mukha niya as well as all her facial features. Ewan ko kung ako lang ba ang nakapansin. Natatabunan lang kasi Ng bangs, ng glasses, at ng weirdness niya. Despite that, mukhang masaya at kontento naman siya sa buhay niya eh, kahit nag-iisa lang siya. Lagi lang siyang nasa bahay niya't nag-aaral aside sa magluto for sure. pero kung titingnan ko siyang mabuti ay parang napakarami niya pang ginagawa sa buhay.
She oddly looks tired.
Hindi lang ako nawi-wirdohan sa kanya. Actually, misteryosa rin siya para sa 'kin. But that won't stop me from being with her. I want to know her more.
*~*~*~*~*~*~*
(Still have one more part before the already published chapter 4. Sorry & please bear with me old readers if you're still there hehe 🙈)
BINABASA MO ANG
The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]
JugendliteraturTo give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, an undercover agent was sent to one of the schools within the place where the said syndicate nests. N...