Chapter 7

1.2K 33 0
                                    

"CINTH UMALIS KA NA DIYAN!!! NGAYON NA!!!""

"Ha?" hindi ko maintindihan si Timmy dahil bukod sa wala siyang sinasabing dahilan ay tarantang-taranta pa ang boses niya.

"Diyos ko, patawarin mo ko Cinth, pero umalis ka na diyan NGAYON NA!!"

"Bakit, ano ba yun?"

Nagulat nalang ako ng isang pagsabog sa likuran ko.

Lumingon ako sa likod.

Mga itim na kotse. May mga tao sa bintana na may hawak na mga armas at nakatutok sa'kin lahat.

Agad kong pinihit ang manibela at mabilis na pinaharurot ang motor.

"Ba't ang bilis nilang nalaman Timmy?"

"Patawarin mo ko Cinth..ugh! Bakit ba kasi napaka-engot mong Timmy ka??" narinig ko pa ang parang musing niya sa sarili.

"Kasi nakalimutan kong sabihin sa'yo na...lahat ng mga nakatira sa Peachcock ay miyembro ng diatryma.."

"ANO? BAKIT SA DINAMI-RAMI NG MGA MAKAKALIMUTAN MO'Y ITO PA?? Timmy naman eh!!"

Pinaputukan ulit ako ng mga itim na kotse sa likuran ko.

"I'm so sorry Cinth! I'm so sorry!"

Binilisan ko pa ang pagtakas sa kanila. "Ipagdasal mo nalang na makaligtas ako ngayong araw."

"Cinth naman, huwag ka namang magsalita ng ganyan.."

Lumiko-liko na ako't hindi ko na malaman kung saan ang labasan.

At mas marami pang mga kotseng itim ang sumusunod sa'kin. Nagagawa ko pang makatakas sa kanila, ngunit habang tumatagal ay nawawalan na ako ng daang natatakasan dahil kahit saang direksyon ay bigla silang sumusulpot.

Nag-iisip ako ng paraan nang biglang may bumungad na kotse sa mismong harapan ko kaya napa-break ako. May lumabas na lalaki sa bintana ng kotse at may dala itong maliit na bazooka.

Lagot.

Agad akong lumiko upang maiwasan yun.

*BOOOOM!!*

Kung hindi ako makalalabas agad dito, mahuhuli nila ako.

Meron na namang itim na kotse sa harap ko kaya lumiko ulit ako sa kaliwa.

*BOOOOM!!!*

"Timmy? Someone needs a little help here.,"

"Aah! i'm so sorry Cinth! Makinig ka sa'kin, kung magkakamali ka pa ng liko ngayon, hindi ka na makakatakas. Napapaligiran ka nila!" tarantang saad ni Timmy.

"Okay. Ikaw nang bahala sa'kin. Basta huwag ka lang mataranta, ok?"

"A-ah..ano..o-oo, sige!"

Inikot ko ang mga mata ko.

'Oh dear..'

"Bawat kotse na sumusunod sa'yo ay may transmitter kaya nalalaman ko mula rito ang location nila. S-sa ngayon nasa labin-limang kotse ang sumusunod sa'yo at nagkalat sila sa buong Peachcock. Bukod rito, ang daan palabas sa Peachcock ay nahaharangan na. Hindi ka na basta-basta makakalabas diyan Cinth."

"Oh, great. What a good news.."

"Sa kanan mo, Cinth!"

Lumiko ako sa kaliwa.

*BOOOOOMM!!*

"Ang galing mo, Timmy! Ipagpatuloy mo lang yan ha. And don't get rattled, mapapahamak ako kung matataranta ka."  I kept myself cool and calm, at least for Timmy. Alam kong mas matataranta siya kung matataranta rin ako. I'm so glad I met him, 'cause I managed to control my temper and expand my patience because of Timmy. At nagagamit ko naman ng tama ang mga katangiang yun.

The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon