2 : 6

107 6 0
                                    

Pagkatapos igapos ang mga balakang ng dalawang bakulaw ng maton kong mga kasama sa agency, ay pumasok ako ulit sa loob ng silid at hinarap ko ulit ang mga bakulaw. Pagkakita nga nila sa amin ni Minchie ay ngumiwi ang lahat ng mga lalaki sa loob ng silid, ang iba'y napalunok pa. Maging si Monty ay ganun din. Alam kasi nilang lahat ang napipinto kong gagawin sa mga bakulaw.

"So...ano na?" Sinadya kong itapat sa kanila si Minchie para dagdag panakot. "Sasabihin n'yo na ba ang lahat ng malalaman niyo tungkol sa Diatryma o..." tinitigan ko ulit ang mga 'ano' nilang nasa mismong harapan ko na. "Matutusta na yang 'kaligayan' ninyo?"

Katahimikan.

Tinitigan ako ng dalawang bakulaw as if hindi ko kayang gawin ang mga sinasabi ko. Ah, ganun? Lumakad ako palapit sa isa sa kanila't tinapat si Minchie sa 'ano' nito. Nang tingnan ko ang mukha ng bakulaw ay balisang-balisa na siya. Malapad akong ngumiti saka nilingon ang mga kasama ko. "What do you want guys, hard or soft-boiled?"

Napalunok at ngumiwi ang mga kasama ko sa loob.

"Ah..sigurado ka ba sa gagawin mo ha, Cinth?" tanong pa ng isa – si Levi.

"Why don't YOU do this?" sagot ko.

Sabay silang umiling ni Pitt at nag-wasiwas ng mga kamay nila.

"Ayoko no! Baka hindi ko magawa, nakaka-relate ako eh." tanggi naman ni Pitt.

"Oo nga!" segunda naman ni Levi.

"Okay. Now, then..” hinarap ko ulit ang mga miyembro ng diatryma. "Talk now or i'll boil your balls!"

Tensiyonado na sila, pero hindi parin nagsasalita.

"Isa!!" tinaas ko si Minchie. Balisang-balisa na yung dalawang bakulaw pero wala pa ring sagot mula sa kanila.

"Dalawa!" binaba ko si Minchie at tinapat sa 'balls' nung katapat kong bakulaw. Tinitigan ko ng buong pagtatangka ang bakulaw sa harapan ko. "Magpaalam na kayo sa mga bola n’yo-"

"Huwaag! Magsasalita na ako, magsasalita na ako! Ilayo mo na si Minchie, utang na loob!" Ilang pulgada na lang sana ang distansya ni Minchie sa kanya. Buti at napigilan ko pa. Tapos ay napangiti na ako't lumayo sa kanila.

"Good boy!" Tapos ay naglakad na ako palabas ng silid. "Kayo na ang bahala sa dalawang iyan, ha. At kung hindi ulit yan magsasalita...nasa labas lang kami ni Minchie." tapos ay tuluyan na akong lumabas ng silid.

"Tss, magsasalita rin naman pala, eh. Gusto pa talaga ng special treatment..haynaku."

The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon