Nagising na lang ako sa mga katok sa pinto ng kuwarto ko. "Ano ba iyan? Storbo naman, ke aga-aga pa, eh!"
Ang sarap pa ng tulog ko rito, eh!
"Young master Cody?" nasira na nang tuluyan ang mood ko sa narinig ko.
"OO NA, OO NA! ANDIYAN NA!! Badtrip naman eh!!" kauuwi ko lang galing sa gimik! Storbo naman 'tong si Vlad. Ni hindi ko magawang buksan ng maayos ang mga mata ko kaya pikit-mata ko na lang na binaybay ang pinto ng kuwarto ko. Ang sakit pa ng ulo ko!
"Magandang umaga sa inyo, young master." bati niya nang pagbuksan ko siya ng pinto.
"Eew, Puwede bang tantanan mo na yang 'young master'? Nakakairita, eh."
Hindi siya sumagot. Naman o, kahit anong pilit ko talaga sa kanya tungkol sa bagay na yan ay hindi ko talaga siya makaintindi. Natigilan ako nang medyo naaninagan ko ang sala ko.
"Nilinis mo pala."
"Isang karangalan po."
"Aaargh! Huwag mo nga akong ituring na parang prinsipe? Unang-una hindi hari yung tatay ko. At hindi ako tagapagmana ng kahit na ano, Vlad."
"Pero young master, utos po ni master Darius na dalhin ko kayo sa mansiyon para-"
"Shut it, Vlad. Hinding-hindi mo ako mapapapunta sa bahay na iyon.
"Pero young master-"
"And will you cut that sh*t out? Naririndi na ako! Sabihin mo sa lalaking nakatira doon na hindi ako interesado sa mga yaman niya! Why don't he pick Richard instead? O si Marius?" maktol ko.
"Iyon po ang bilin ni Master, eh. Isa po sa inyong tatlo ang magmamana ng mga ari-arian niya. At gusto niyang maging patas ang pagpili mula sa inyong tatlo."
"Wala na bang mas papatas pa sa hindi ko pagsali? Tell him, I AM NOT INTERESTED!" tinalikuran ko na siya.
"You can go now, Vlad. Matutulog pa ako."Iritado akong pumasok ulit sa kuwarto ko't sinuot ang headphones ko at nilakasan ang volume n'on. Sinabi ko nang hindi ako interesado, mamimilit pa. Matigas din ang ulo ng lalaking iyon, kainis! Maraming beses na niya akong kinukulit tungkol sa mga ari-arian niya't posisyon sa diatryma! Eh, sa hindi talaga ako interesado? Hindi niya kontrolado ang buhay ko. Matagal na akong umalis sa bahay na iyon kaya dapat ay hindi na niya ako pakialaman pa! Nabubuhay ako sa sarili ko't nasusunod ko ang mga desisyon ko.
Malaya ako. At masaya ako do'n. Isa akong gangster. Pero hindi ko nanaising maging drug Lord na nagbebenta ng mga babae kung saan-saan. Ayokong magkaroon ng ganoong buhay, at ayokong mag-isip tungkol sa maraming yaman, nakakabaliw lang. Wala nang ibang iniisip ang mga tao doon kundi ang magpayaman nang magpayaman. As for me, dito lang ako. Masaya at kontento na ako sa pagiging....gangster. Ito na ang buhay ko, at hinding-hindi ko ito bibitawan dahil lang sa potek na negosyong iyan!
*~*~*~*~*~*~*
BINABASA MO ANG
The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]
Teen FictionTo give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, an undercover agent was sent to one of the schools within the place where the said syndicate nests. N...