Inaaliw ko ang sarili ko sa pagnguya ng bubble gum habang naglalakad ako pauwi sa bahay. Pero natigil ako sa ginagawa ko nang may nakita akong isang itim na van na naka-park sa tapat ng isang convenience store. Naghinala agad ako nang wala akong makitang plaka. Huminto ako sa paglalakad saka pumasok sa isang telephone booth malapit sa'kin. Hindi ko alam kung gaano na katagal na naka-park ang van, pero nakita kong may dalawang lalaki na bumaba mula roon.
Dalawang estudyante. Nakasuot ang dalawa ng polo, at may school seal pa sa bulsa ng polo nila. Medyo malayo ako sa kanila pero sigurado akong seal yun ng Moonstone high. Hindi sa kabisado ko lahat ng mga estudyante sa eskuwelahan, pero hindi ko makapa sa sarili ko na mga estudyante talaga sila roon. Iba ang dating nila kumpara sa mga ordinaryong mga estudyante.
Tumawid sila sa kalsada saka pumasok sa isang ice cream shop. Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na sila ng ice cream shop at may kasama na itong dalawang high school girls na taga Moonstone din. Naka-akbay yung dalawang lalaki sa dalawang babae at mukhang nagtatawanan pa sila habang tumatawid ng kalsada. Ngunit nang hindi nakatingin sa kanila ang dalawang babae ay nagkatinginan yung dalawang lalaki sa isa't-isa. And they're expressing ambiguous smiles at each other like they had done a wonderful job or something. Now i'm having a bad feeling here.
Binuksan ko ang bag ko't kumuha ng isang tracking device.What a good thing that i'm always prepared!
Lumabas ako ng booth saka naglakad patungo sa van. Pumasok ang dalawang lalaki kasama ng dalawang babae sa van at sinara na ang pinto. Niluwa ko naman ang gum ko saka lumapit sa sasakyan. Tiyempong pinaandar na ang makina ng van nang pasimpleng idikit ko ang gum sa likod nito. Tapos ay lumarga na iyong van na tila nagmamadali. Kinuha ko mula sa bulsa ko ang cellphone ko saka ako tumawag sa agency. Patakbo kong binaybay ang daan pasunod sa kanila habang sinasabihan si Monty tungkol sa ginawa ko.
"We're tracking the subject now, Cinth. Kami na ang bahala."
"Hindi. Pupunta rin ako sa location."
"No, you won't!"
"Hindi mo 'ko mapipigilan."
"This is a direct order!"
"You can't stop me."
"Aargh! Ba't ba ang tigas ng ulo mo, Hyacinth?"
"Ibababa ko na."
"Sandali la-"
Nilagay ko na ang cellphone ko sa bulsa ko't nagpatuloy sa pagtakbo. Gamit ang phone ko ay sinundan ko ang mga daan kung saan bumaybay ang naturang van. Malakas ang kutob kong diatryma na ito.
Malapit na ako sa kanila.
*~*~*~*~*~*~*
BINABASA MO ANG
The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]
Fiksi RemajaTo give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, an undercover agent was sent to one of the schools within the place where the said syndicate nests. N...