_____CHAPTER 3_____
【 KYLIE 】
"Hi Penelope!" bati ko sa transfer student sa harapan ko ngayon.
"Hi." tanging sagot niya.
Sa lahat ng classmates ko, siya nalang ang hindi ko ganun ka-close. Hindi rin naman kasi siya nakikipag-close sa'kin eh. Nawi-wirdohan tuloy ako sa kanya.
But still I want to be her friend. Kasi kahit wierd siya, mukha naman siyang mabait.
"Wanna hangout with us? Pupunta kami sa plaza ngayon!" excited kong imbita sa kanya.
"Sorry. Pero kailangan kong umuwi ng maaga eh. Exams na next week kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti."
I pouted. "Lagi ka nalang ganyan, Penelope. Pwede bang kahit isang beses lang ay iwan mo yang pagiging geek mo't gumimik naman ng konti?"
Ngumiti lang siya ng tipid saka umiling. "I can't. Kailangan kong pagbutihan ang pag-aaral ko dahil ayokong ma-disappoint si tita sa'kin."
Alam kong nag-iisa nalang ngayon si Penelope sa buhay kaya nga siguro ganyan siya. Hindi ko siya masisisi, mahirap naman talagang maiwan ng parents sa murang edad.
"Okay. Hindi nalang kita pipilitin kung ayaw mo talaga." tapos ay iniwan ko na siya.
"Haynaku Kylie, bakit ba pinipilit mong lumapit d'yan sa geek na yan, eh hindi naman talaga siya interesado sa mga gimik natin?" tanong sa'kin ni Barbara, isa rin sa mga classmates namin.
"Oo nga. And besides, she's not one of us Kylie. She's not that pretty. She's not even fashionable. Look at her!" dagdag naman ni Claire. Tumalima naman ako't minasdan si Penelope.
"Wala namang mali sa kanya ah. She's just a typical nerd, yes. But she's nice. Hindi siya isnabera at maganda naman ang pakikitungo niya sa'kin eh."
"Kahit na. If she's not interested, she's not interested. So buzz off from her, okay?"
Hindi ko nalang sinagot si Barbara.
Sa halip ay tinitigan ko nalang si Penelope.
Tipikal nga siyang nerd. Neat and decent uniform, pony-tailed hair with down-to-brow bangs, and the famous nerdy glasses.
Napaka-intelligent niya talaga. Lagi siyang nangunguna sa klase kahit na masyadong minsan lang kung mag-participate siya.
And regarding her..odd personality, marahil ay natatakot siya. I mean, minsan na niya akong tinanong tungkol sa high-school girls' kidnapping na usung-uso ngayon sa Alpsburry.
Malamang ay natatakot talaga siyang mabiktima n'on kaya maaga siyang umuuwi at hindi gumi-gimik.
Poor girl. Sana mas maging malapit kami sa isa't-isa. I really wanted to make friends with her. Hindi ko rin alam kung bakit gustong-gusto ko siya, pero yun ang nararamdaman ko eh.
Alam ko namang mga plastic lang 'tong mga tinuturing kong mga 'kaibigan'.
Everybody knows me. I'm beautiful, and i'm wealthy. They say, being friends with me meant, fame and class.
But I don't buy it. Kahit na thankful ako na marami akong guards na nagbabantay sa'kin ng halos bente-kwatro oras, feeling ko, nag-iisa parin ako.
That's why I needed a friend. And I think that Penelope's the kind of friend that I need. Silent, but straight. Wierd, but natural.
"Hmmm...." bigla akong napa-isip.
If she can't hangout with me, ako nalang ang makikipag hangout sa kanya! (^-^)
BINABASA MO ANG
The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]
Novela JuvenilTo give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, an undercover agent was sent to one of the schools within the place where the said syndicate nests. N...