Nagising na lang ako na nasa tenga ko pa rin ang headphones ko na may musika pang tumutunog. Pagtingin ko sa orasan ko, alas-tres na pala ng hapon. Pero feeling ko, ilang minuto palang akong nakakatulog. Masakit parin ang ulo ko kaya nahilo ako nang bigla akong bumangon. Naligo ako't nagbihis. Kumain na rin ako ng agahan, damay pananghalian. Inayos ko muna ang buhok ko saka ko binuksan ang cabinet ko para kumuha ng bagong jacket. Pare-pareho lang naman ang hitsura ng mga jacket ko. Makapal, makinis, maitim, at may malaking emblem ng 'Hazzards' sa likod. Humarap ako sa salamin nasa likod ng pinto ng cabinet. Inayos ko nang konti ang buhok at mukha ko saka ako naligo sa pabango ko.
"Perfect!"
Lumabas ako ng bahay. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa tambayan. Isa iyong malaki at abandonadong bahay sa gitna ng gubat ilang kilometro lang ang layo mula sa Moonstone high. Nakita ko ang mga motorsiklo nilang lahat sa labas pero nakapagtatakang walang tao pagpasok ko.
Where are they?
Hinalughog ko ang buong bahay ngunit wala sila roon.
"Bw¿$it! Saan naman kaya nagsususuot yung mga mokong na iyon?" ni hindi man lang ako tinext o tinawagan, badtrip! Ang ayoko sa lahat ay yung ina-out-of-place ako! Tinawagan ko si Mike sa cellphone niya.Buti at sinagot naman niya agad.
"Nasa'n kayo?" diretsahan kong tanong.
"Uy, si Cody TUMAWAG!" narinig ko pang sumigaw si Mike sa kabilang linya. "O, Alpha boy, anong atin?"
"Anong 'anong atin' ka diyan? Nasa'n kayo?"
"Relax, alpha boy. Nasa Moonstone lang kami. Naglakad-lakad."
"Trip n’yo?"
"Wala, nananakot lang ng mga tuta."
"Sige, susunod ako." pinindot ko na ang end call, tapos ay humabol na sa kanila. Natatanaw ko na rin ang malaking likurang bahagi na building ng eskuwelahan. May iilang mga estudyante pang lumalabas mula roon. Kaya lumakad na ako patungo do'n sa back gate. Ngunit bago pa ako makarating roon ay hinarang ako ng mga lalaking naka-motor. Ang iingay ng mga motor nila, ang sakit sa tenga! Iyan ang problema sa mga tambutso, eh. Ang sarap sirain, ayoko nang maingay! Tiningnan nila ako nang buong puot at angas. Lalo na yung nasa pinaka-gitna't pinakaharapan nila. Sapantaha ko'y nasa dalawampu hanggang tatlumpu sila. Ang iba'y naka-angkas lang. Ang iba sa kanila ay medyo pamilyar sa 'kin. Sino ba 'tong mga 'to?
"Cody Esguerra?" unang nagsalita yung lalaking nasa harapan nila.
"Ako nga. Bakit?"
"Mukhang nag-iisa ka yata ngayon, ah. Sabihin mo nga, tinatago mo na ngayon ang mga tuta mo ano, kaya nag-iisa ka nalang ngayon?" tapos ay nagsitawanan na yung mga kasama niya. Hindi ko sila sinagot. Iniisip ko kasi ng mabuti kung nakita ko na ba sila o hindi pa. Tapos ay natuon yung tingin ko sa isang patpating lalaki na nakaangkas sa isang tabaing lalaki na driver ng isang haggard na motor. Tila umilaw yung light bulb sa ulo ko't nahampas ko pababa sa palad ko ang isa kong kamao.
"Aah! Ikaw iyong miyembro ng golden gates na binugbog namin kamakailan lang!"
Biglang nagdilim ang mga mukha ng mga kaharap ko. "Anong golden gates?? SILVER BLADES!! GAGØ!!" galit na sagot naman nito. I yawned, that made them more furius.
"Whatever. What do you want now?" sabi ko habang tinatakpan ko pa ang bibig ko. Biglang umungol yung lalaking naka-motor na nasa pinakaharap saka bumaba ng motor niya't lumapit sa 'kin. Mas matangkad siya, at mas malaki rin ang katawan. Pero alam kong puro taba lang yan. Hindi ko tuloy matantiya kung malakas ba siya o hindi.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin. "Huwag mo 'kong galitin. Kundi magsisisi ka!" Ngunit sa bigla na lang ay umiwas ako nang tingin sa kanya.
"ANO BA YAN!! MAG-TOOTHBRUSH KA NGA!! WALA KANG KARAPATANG LUMAPIT-LAPIT SA MUKHA KO KUNG SING-BAHO NAMAN NG KANAL DIYAN IYANG BIBIG MO!" Bigla siyang napa-atras at napa-amoy sa hininga niya nang sigawan ko siya. Badtrip! Ang baho ng hininga niya! Maging ang mga kasama niya'y biglang inamoy yung mga hininga nila. Nang makita naman sila nung lalaking may mabahong hininga ay mas lalo itong nagngit-ngit sa galit. Natawa tuloy ako nang bahagya. Tapos ay tinapunan niya ako ng 'scary look' kuno niya.
"HINDI MO TALAGA ALAM KUNG SINO ANG BINABANGGA MO NO?" Nang tinaas ko lang ang mga balikat ko bilang tugon sa tanong niya, mas nagalit at dumilim pa ang mukha niya. Tapos ay bigla siyang tumawa. Baliw 'ata 'to, eh.
"ONE-ON-ONE TAYO!! BILANG LIDER NG SILVER BLADES, HINAHAMON KITA!!" Pagkuwa’y nagsigawan na yung mga tuta niya sa likuran niya.
So....siya pala ang leader ng Silver toes.
Nginitian ko siya nang malapad. "Sige ba! Hindi kita uurungan."
-=-=-=-=-=-=-=-=-
BINABASA MO ANG
The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]
Teen FictionTo give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, an undercover agent was sent to one of the schools within the place where the said syndicate nests. N...