Chapter 20

2K 57 28
                                    

____CHAPTER 20____

     【 CODY 】

Shoot.

My heart starts beating wildly again.

There she is, staring questionably at me, but she's not saying anything like she's waiting for mine rather.

Ano nga bang sasabihin ko?

"Uh..." parang hindi na ako mapakali sa posisyon ko. Kaya mabilis akong tumayo at tinalikuran siya.

Napalunok ako.

Ano bang nangyayari sa'kin? Why am I tensed and so nervous? Kami lang naman ang tao rito sa shed ngayon ah? At dumidilim pa ang paligid dahil pagabi na.

EXACTLY, JERK!

"Aagh, sh?t!" natigilan ako nang makapag-cuss ako bigla. Tapos ay nilingon ko ulit siya.

Nakataas ang isang kilay niya na nakatitig sa'kin.

"Hindi ikaw ang ibig kong sabihin dun! I mean, hindi yun para sa'yo!" taranta ko namang sabi sa kanya.

Pero hindi parin nakababa ang isang kilay niya't hindi parin siya nagsasalita.

"Aaaaaaghh!!! I'm just so happy, okay?!"

Pero hindi parin nagbabago ang reaksyon sa mukha niya! Nakaka-bw?sit na talaga yang mukha niyang yan ah..

"Ano ba, geek? I told you i'm happy!"

"Happy ba ang mukhang yan? Tsk." sabay iwas niya ng tingin.

"Eh kasi ikaw eh!!"

"Ano namang ginawa ko?"

"A--" Napanganga ako para magsalita sana pero natikom rin ang bibig ko nang ma-blangko ang utak ko't wala akong makuhang sagot sa kanya.

"Hindi nga lang siguro halata, pero masaya talaga ako!" mariin kong sagot sa kanya.
Mukhang nabigla naman siya sa sinabi ko at napataas-ulit ang isa niyang kilay. Nakaka-irita na talaga yang kilay niya ah. But she's cute with that.

"Bakit?" she asked.

Tila bulang nawala ang inis ko't nginitian ko ulit siya.  "I already told you. Masaya ako dahil nagawa narin kitang protektahan.." umiwas ulit ako ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko namumula yung mga pisngi ko kahit na baka hindi niya rin yun mahahalata dahil may kadiliman na ang paligid.

"Why?"

"Eh kasi...teka, ba't ba ang dami mong tanong? Basta! Yun na yun."

Hindi na siya sumagot.

At binalot na kami ng nakaka-binging katahimikan pagkatapos.

Ilang sandali pa'y lumiwanag na ulit ang paligid dahil sa ilaw na mula sa flourescent light na nasa shed.

Now what?

"Hindi ako magpapasalamat sa ginawa mo kanina.." sabi niya kapagkuwan.

Napangiti naman ako. "Ayos lang." '..at least bayad na ako sa'yo kahit paano, geek..'

Katahimikan.

"Why did you changed yourselves, Corby?" napatingin ako sa kanya nang bigla siyang magsalita.

"Ah, this.." tinutukoy niya yata yung itsura ko.
Kinakabahan ako, sobra. Pero hindi na nito ako mapipigilan pa. Dahil baka wala nang susunod na pagkakataon.

Huminga muna ako ng malalim saka ako nagsalita.
"Dahil 'to sa'yo.."

Hindi ko muna siya tiningnan, pero batid kong nakatingin siya sa'kin. Mas kinabahan tuloy ako. Pero isang malalim na buntong-hininga lang ang katapat nito.

The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon