Patuloy pa rin ako sa pagpasok sa Moonstone bilang isang transfer student. At patuloy din sa pakikipag-kaibigan si Kylie sa akin. Pero hindi ko pa rin naman kinakalimutan ang misyon ko. Patuloy din ako sa pagmamasid sa leader ng hairdo gang. Hindi siya pumapasok sa school, pero lagi naman siyang wala sa bahay niya.
Halos madaling-araw na kung umuuwi. Good thing dinadala niya palagi ang leather jacket niya dahil namo-monitor ko kung saan-saan siya pumupunta. Kung hindi sa beagle, ay sa isang night club sa labas ng distrito siya pumupunta. Present din siya sa maraming mga abandonadong mga gusali o sa kahit na anong lugar na walang tao. Sa ilalim ng malaking tulay ng Alps, o sa mga eskinita ng distrito. Sa malamang ay pawang mga gang war lang iyon lahat. Kainis naman. Bakit parang hindi sila nagkikita ng ama niya?
"Hi Penelope!" napabaling ako kay Kylie. Pero umiwas din kalaunan ng tingin.
"Hi."
"May plano kaming pumunta sa Pink Leopard ngayong gabi. Sama ka?"
Gulat na nilingon ko siya uli. "15 ka lang."
"Yes. But I have my connections."
Muntikan na akong nakalimot sa misyon ko sa gulat. "At hindi ka natatakot?"
"Saan?" At kung makatanong siya'y mukhang inosente talaga sa mga nangyayari sa paligid.
"Sa mga mandurukot at kidnappers."
She just shrugged. "No," sabay ngiti.
Halos masira ang normal kong ekspresyon sa sinagot niya, hindi ako makapaniwala.
"I'm protected, that's why i'm not threatened," aniya.
Napakunot ako. "What do you mean?"
"Marami akong bodyguards sa paligid no! Hindi mo nga lang sila basta-basta makikita 'cause I requested daddy to make it that way."
"At ayos lang sa daddy mo na sa mga ganoong klaseng lugar ka pumupunta?"
"He'll never know. Mas loyal sa akin ang mga bodyguards ko kaysa kay dad, hehe."
Hindi ko na siya sinagot. Bakit nga ba tila concerned pa ako?
"So, sama ka?" Udyok uli niya.
Umiling ako. "Ayoko."
"Huh, why?" mukha pa siyang disappointed.
"I'm,..uh...going home early. And besides, I don't hangout in places like that." palusot ko. Ngumiwi ang mukha niya saka namaywang.
"I couldn't really convince you, huh?"
Tipid ko siyang nginitian. Ngumiti rin siya sa 'kin saka namaalam na. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa seat niya. Though she's the typical 'kikay girl, I think she's nice.
*~*~*~*~*~*~*
BINABASA MO ANG
The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]
Teen FictionTo give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, an undercover agent was sent to one of the schools within the place where the said syndicate nests. N...