____CHAPTER 11____
【 HYACINTH 】
"There's no other option, agent. Siya lang ang tanging makakatulong sa'tin upang mahuli natin si Darius Esguerra." nalaman na ni Esguerra ang tungkol sa lihim na paghuli sa mga kasama niya sa sindikatong sina P/Sr. Insp. Aguinaldo at Miranda. Kaya ngayon ay nagtatago ito. Hindi na siya basta-basta makakalabas sa Alps dahil lahat ng kapulisan na controlado ng diatryma ay hinuli na't kinulong. Mga bago, at pawang mga magagaling at maaasahang mga pulis na ang nagbabantay ng seguridad ngayon sa Alpsburry, at masaya ako sa balitang yun. Maging lahat ng mga lugar na pwede niyang daanan palabas ng Alps ay secured na rin. Mula sa main road, pati mga bundok, lawa, mga kapatagan, maging sa mga pinaka-masusukal na kagubatan at lahat ng posibleng madaanan niya ay monitored na ng agency at ng awtoridad.
Ang mga residente ng Peachcock na mga miyembro ng diatryma ay hinuli narin at nakakulong na silang lahat.Si Darius Esguerra nalang ang kulang.
Hinalughog na namin ang buong Peachcock pero hindi namin siya nakita. Ang limousine na ginagamit ng butler niyang si Vladimir ay na-recover namin pero abandonado na ito.
Ang beagle at Pink leopard naman, napatunayang lungga nga ang mga lugar na ito ng pagpupuslit ng mga droga ng diatryma pero napatawan lang ito ng suspension ng tatlong taon."Can we count on you?" napatingin ako kay Monty. Ngayon lang napuno ng ganun katinding determinasyon ang mga mata niya. Tulad ng lahat na nasa agency, gustong-gusto rin niyang mahuli na si Esguerra.
"I don't think I can do it. Were not even close."
"Then do something to get close with him!"
"It's impossible Monty. Hindi kami bati."
"Ano??"
"You see, he's bullying me at school. And he's mad at me. So I don't think I can convince him. After all, it's his father we're chasing after."
"Are you really refusing the orders, agent?" kunot ang noong tanong ni Monty habang hinihimas ang balbas niya. Nakakatawa talaga siya kapag ginagawa niya yun. Pero seryoso, hindi ko talaga alam kung magagawa ko ba ang misyong binibigay nila sa'kin.
"Hindi naman sa ganun Monty. Hindi mo kasi alam eh.."
"Hindi alam ang ano?"
"Na..." hala, hindi dapat malaman ni Monty ang tungkol sa pagbugbog ko sa hairdo gang.
"Na...galit na galit sa'kin yung lalaking yun."
"No excuses agent. Do this mission or i'll terminate you?"
Napanganga ako. "Terminate agad? Hindi ba pwedeng suspension muna?""Hindi nakakatawa Cinth."
I pouted. 'tong mamang 'to talaga..kainis!
"Oo na, oo na. Gagawin ko na."
Bigla namang ngumiti si Monty. "Good girl! And Cinth, tawagin mo naman akong 'ninong' paminsan-minsan.."
"Ayoko nga."
"Haaaay!!"
Tumayo na ako't lumabas sa opisina ni Monty.
This will be one, hard job. I mean, convincing someone who hates you to collaborate with you? That's impossible!
Ilang beses na nga akong sinubukang asarin ng emo na yun. Pero dahil sa hindi niya naman nagagawa ay mas galit na siya sa'kin, sigurado yun.Aaagh..bahala na nga!
*~*~*~*~*~*~*
Ang malas naman. Kung kailan kailangan ko siyang makita't makausap, wala naman. Pero andito naman ang mga kasama niya sa hairdo gang.
Habang naglalakad ang mga ito sa hallway,
tinawag ko yung may green na buhok.
BINABASA MO ANG
The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]
Teen FictionTo give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, an undercover agent was sent to one of the schools within the place where the said syndicate nests. N...