【 CODY 】
*PAK!*
*BOOM!*
*BAAGSH!*
*POW!*
*BAM!*
Parang sound effects lang sa mga comics ang naririnig ko ngayon habang binubugbog namin ang mga kalaban namin ngayon.
Silver blades. Isang bagong salta na gang sa Alpsburry, mga dayo. Pero sabi nila, dito na raw ang bagong teritoryo nila.
Wala naman akong pakialam kung angkinin nila 'tong Alpsburry eh, kung mapaninindigan nga naman nila.
Hinamon-hamon pa nila ang hazzards sa pag-aakalang konti lang kami, at mahihina.
Konti nga lang naman kami, pero nagkamali silang insultuhin kami na mahihina.
Ayan tuloy, tumba silang lahat.
"Tsk, tsk, tsk. Ang hihina pala ng mga 'to eh!" disappointed na sabi ni Mike habang pinapagpag ang sarili niya saka pinagpag rin yung sariling mga kamay. "Mga walang binatbat!" sinipa pa niya yung isang nakahandusay sa harap niya.
"Chill lang naman ng konti, pare. At least marami-rami sila 'di ba? Hindi tayo tuluyang na-bore!" sagot naman ni Carlos habang humihithit ng sigarilyo.
Bigla naman akong natawa nang makita ko si Nash na may black-eye sa kanang mata.
"Bwahahaha! Anong nangyari sa 'yo? Ba't nagkaroon ka ng black eye?" ayaw na ayaw ni Nash ang napupuruhan sa mukha kaya nga isa siya sa pinaka-maarte, err, pinaka-magaling sa 'min.
Ngayon alam ko na kung bakit.
Natawa rin yung iba nang makita siya.
"Grabe pare, kaya pala ayaw na ayaw mong madaplisan sa mukha...ang pangit! Hindi bagay sa 'yo! Wahahahaha!" kumento naman ni Paul.
"Tumahimik ka nga! Nautakan ako kanina yung huli kong kinalaban, kaya na-chamba-han niya ako." sagot naman ni Nash.
"Eeeeeh! Ang sabihin mo, lumilipad ang isip mo!" sabi naman ni Arthur habang nakikisindi ng sigarilyo kay Carlos.
"Oo nga. At alam ko kung sino ang tumatakbo diyan..." abot-tenga ang naging ngisi ni Arthur.
"Si Miss Kylie!!" sabay na sigaw nina Milo at Mike.
At hayan na naman ang walang katapusang kantiyawan nila. Kahapon pa yan, eh. Kung hindi pa sinabi ni Milo ang tungkol kay Kylie, hindi ko rin malalaman na may sabit pala itong si Nash doon.
Sabit.
Yung ano..yung may feelings. 'Sabit' lang ang tawag ko diyan dahil totoo naman, eh. Sabit lang yan sa kahit na ano.
Tingnan mo nalang si Nash, nagka-black-eye tuloy.
Natigil lang silang lahat nang biglang tumayo yung isa sa mga miyembro ng silver blades.
"HAZZARDS!"
Napatingin kami rito. Isang lampayatot lang pala. Buti at may lakas pa ito na tumayo at sigawan pa kami.
"Maghintay lang kayo..GAGANTI KAMI!! TANDAAN N'YO YAN! Lalong-lalo ka na, ESGUERRA!!" dinuro niya ako.
Napadilat naman ako sandali sa kanya. Tinalikuran ko siya saka kinulikot ko ang isang tenga ko gamit ang hinliliit ko. "Yeah, whatever."
Nagsipagtawanan sina Milo.
Narinig ko pang umungol yung lampayatot sabay mura sa 'min. Tapos ay mas nagtawanan pa yung mga kasama ko nang makita itong iika-ika habang lumalakad palayo.
"I-REGARDS MO NALANG KAMI SA BOSS MO, HA?" Sigaw rito ni Carlos.
"PAKISABI 'UTOT NIYA LANG NA MATATAKOT KAMI SA KANYA! BWAHAHAHAHA!!" segunda naman ni Milo.
At nagtawanan ulit kaming lahat.
"HOY PATPAT, ANG SAMA MO!! PULUTIN MO NAMAN ANG MGA KALAT MO RITO OY!" nagpahabol pa ng hirit si Mike habang tinuturo yung mga kasama nung talunan na nakahandusay sa lupa.
Tapos tawanan ulit.
"Tara na nga! Nagugutom na ako eh!!" lumakad na ako patungo sa baby ko't pinaandar yun.
Sumunod narin sa 'kin yung iba pa.
Sa Pink Leopard kami dumiretso. As usual maingay parin doon kahit medyo maaga pa. Pero masaya.
Wondering why we can go in whenever we want? Well, it's the friends we have here. Kaya kahit mga minors pa kami ay okay Lang na pumasok dito.
From the lights, the music, the aroma from drinks and smokes, the dance floor, and hmmm.....girls.
Mahilig nga naman ako sa mga babae, pero hanggang fling and flirt lang, no strings attached.
Sila rin naman ang kusang lumalapit sa 'min eh, ano namang magagawa namin?
Kaso nga lang, mukhang may magbabagong-buhay na yata sa amin-si Nash. Mukhang patay na patay doon kay Bernardino eh.
Ang ibang mga hazzards ay enjoy na enjoy na sa pagsasayaw kasama ng mga chicks nila.
Kami lang nina Nash at Arthur ang nasa table at umiinom.
"Mukhang seryoso ka talaga dun sa chicks kahapon ah.." kumento ni Arthur kay Nash habang umiinom.
Napangiti lang si Nash habang nilalaro ang baso niya ng beer. "Malamang."
"Naku naman bro, umayos ka nga! Ipagpapalit mo ba ang napakaraming hot and sexy chicks sa flat-chested na yun?"
Pareho kaming napadilat ni Nash kay Arthur. Ito talagang mokong na 'to, lahat ng nakikitang babae yun agad ang tinititigan.
"Anong sabi mo?" at mukhang napikon si Nash sa sinabing yun ni Arthur.
"Aw c'mon bro, ang dami-dami namang chicks na mas sexy at mas malaki yung hinaharap kesa dun sa-" hindi na pinatapos ni Nash yung sasabihin ni Arthur. Sa halip ay tumayo ito at hinila ang kwelyo ng jacket ni Art at tinutukan ito ng matalim na mga tingin.
"Wag na 'wag mong insultuhin si Kylie, Art. Hindi ko pinapakialaman ang mga trip mo, kaya sana lang, ganun ka rin sa 'kin." mariin niyang sabi.
Tinaas naman ni Art ang dalawang kamay niya sabay dilat ng mga mata. "Okay! Sabi mo eh. Kaya pwede bang bitawan mo na ako?" tinapunan niya rin ng masamang tingin si Nash.
Patulak na binitiwan ni Nash ang kwelyo ni Art sabay walk-out. Mukhang napikon talaga siya sa mga sinabi ni Art ah.
"Anong nangyayari ha?" biglang bumungad si Milo at umupo sa pwesto kanina ni Nash.
"Wala naman. Konting palabas lang." sagot ko saka inom ng beer.
At mukhang maging si Art ay badtrip narin.
"Inaway mo pa kasi eh." sabi ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay uminom nalang at umiwas ng tingin.
"Ano ba talaga kasing nangyari ha? Ba't umalis si Nash?" tanong ulit ni Milo.
"Hindi ka rin chismoso ano?" sabi ko.
"Sabi ko nga eh, hindi na ako magtatanong." tumungga nalang siya ng beer. Tapos ay umalis rin at bumalik na sa maingay na dance floor.
Kinamot ko nalang ang ulo ko.
Kaya nga sabit lang yang pag-ibig-pag-ibig na yan eh, tch, tch, tch.
*~*~*~*~*~*~*
BINABASA MO ANG
The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]
Ficção AdolescenteTo give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, an undercover agent was sent to one of the schools within the place where the said syndicate nests. N...