_____CHAPTER 9_____
【 CODY 】
Tahimik ang lahat sa tambayan pagdating ko. Isang sulyap lang nila sa'kin, iwas na agad sila. Maging ang mga Caballero na pinaka-masayahin sa lahat ay tahimik rin.
Hinarap ko silang lahat. Huminga ako ng malalim saka nagsalita.
"Patawarin n'yo sana ako. Alam kong galit kayo dahil pinag-lihiman ko kayong lahat."
Katahimikan.
"Kung pwede nga lang sana ay hindi n'yo na talaga 'to malaman pa kahit kailan.
Dahil...natatakot ako..."
This time, napatingin sa'kin sina Paul at Carlos. Maging yung iba, pero hindi pa rin sila nagsasalita.
"...Natatakot ako na baka madamay kayo. Na baka galawin nila kayo. Ayokong mangyari yun.
Dahil kayo lang ang tinuturing kong pamilya. Yun ang totoo."
Yumuko ako. Ngunit hinarap ko ulit sila.
"Hindi ko na hahayaan na madamay kayo. Na masaktan niya kayo.
Patawarin n'yo sana ako.." tapos ay naglakad na ako palabas ng tambayan.
Palabas ng hazzards.
"Sandali."
Natigil ako sa paglalakad at nilingon ko ang tumawag.
Si Nash.
Nakangiti siya sa'kin.
"What're you doing? You're leaving?"
"Yun ang mas nakabubuti. At may atraso ako sa inyo kaya..."
"Ano ka ba?" Napatingin naman ako kay Arthur.
"Kung wala ka noong araw na yun, siguradong wala na kami ngayon.." ngiti niyang sabi.
"Oo nga." saad naman ni Paul.
"Sa totoo lang, medyo na-disappoint kami nang malaman naming anak ka pala ng isang sindikato." napatingin ako kay Milo.
"Pero mas masaya kami dahil hindi mo kami pinabayaan nun, Alpha boy." tapos kay Mike.
Lahat sila..nakangiti sa'kin.
Nilapitan ako ni Nash at tinapik sa balikat. "Kaya huwag kang umalis. Dahil kung hindi, bubugbugin ka namin."
"Hahaha! Tumahimik ka nga diyan Nash, mambubugbog ka eh, injured ka pa?" sabat ni Arthur.
"Tss..wala akong pakialam no. Ang importante, kumpleto parin tayo!" inakbayan na niya ako saka naglakad na kami patungo sa iba pa.
"Dapat ay mag-celebrate tayo. Ngayon lang nag-drama si Cody eh!" nagtawanan kaming lahat sa sinabing yun ni Milo.
"Ano hazzards, inuman tayo?"
"Sure!!"
"Call ako diyan!"
"Oo ba!!"
"Sige!"
"Yun o!"
"Yees.." sabay-sabay na chorus ng lahat.
Ang kambal na Caballero na ang lumabas para bumili ng inumin. Samantalang naglaro naman kami ng baraha habang hinihintay silang dumating.
Hindi ko na naiwasang i-kwento sa kanila ang ugnayan ko sa diatryma. Na ama ko ang isa sa tatlong boss ng buong sindikato, at isa sa aming tatlong magkakapatid ang magmamana raw ng posisyon niya.
BINABASA MO ANG
The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]
Teen FictionTo give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, an undercover agent was sent to one of the schools within the place where the said syndicate nests. N...