【 HYACINTH】
Isang maulan na hapon ng huwebes. Naglalakad ako sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan, tanging payong ang dala. Basa na ang sapatos ko't nanlalabo na ang salamin ko sa mata. Pero wala naman akong pakialam. Ang inaalala ko, ay ang mga matang nakamasid at nakasunod sa 'kin. Huminto ako sa isang tindahan upang bumili ng instant noodles. At the same time, obserbahan sila.
Two men in their mid-thirties. Parehong matangkad, ordinaryo ang mga kasuotan, pero takip ng mahahabang buhok, shades, at sumbrero ang mga mukha. Mula pa noong lumabas ako sa Moonstone high ay sinusundan na nila ako. Malamang dahil nag-iisa lang ako. Dahil umuulan, walang masyadong tao sa mga eskinita kaya pinasya kong doon tumungo. At sinusundan pa rin ako nung dalawang lalaki. Pagdating namin sa eskinita na walang tao, tumigil ako sa paglalakad. Tinanggal ko ang suot kong salamin sa mata at nilagay sa bulsa ng palda ko saka hinarap sila.
"Sino kayo?"
Ngumisi ang isang lalaki na may bigote. "Huwag kang mag-alala, miss. Binabantayan ka lang naman namin para makauwi ka nang ligtas sa bahay mo."
"Taga-sa'n ka ba, miss?" tanong naman ng kasama nitong may katabaan.
"Pake n'yo naman?"
Unti-unti na silang lumapit sa 'kin. "Huwag kang mag-alala, miss. Hindi ka naman namin sasaktan."
"Oo nga. Ihahatid ka na lang namin sa inyo."
Malakas parin ang buhos ng ulan, at wala pa ring nadadaang sinuman sa paligid.
"Ayoko. Kaya ko ang sarili ko."
Nasa harapan ko na ang dalawang lalaki. Iyong may bigote sa kaliwa, yung mataba sa kanan. Hinawakan nung mataba ang isang braso ko. "Tara na, miss. Samahan ka na namin."
Tinitigan ko ang kamay nung mataba sa braso ko't tiningala siya. "Kung ako sa 'yo, bibitaw ako."
"Bakit, kaya mo kaming dalawa?"
"Oo nga naman. Kaya kung ako rin sa 'yo, sasama na lang ako nang tahimik."
Tsss. At lumabas din ang tunay na kulay ng dalawang manyak na 'to. Hinigpitan na nung mataba ang paghawak sa kamay ko. Samantalang abot-tenga na ang ngisi nung may bigote. Feeling naman nila, hindi ko sila uurungan.
Malas nila, ako ang pinili nilang biktimahin.
Binaba ko ang hawak kong payong saka ko hinawakan ng dalawang kamay ko ang malaking braso nung mataba na nakahawak sa akin. Saka ako tumalon nang malakas paikot at sinipa sa mukha ang matabang lalaki na humahawak sa braso ko. Dahil doon ay napasigaw siya't lumuwag ang hawak niya sa braso ko kaya naalis ko ang kamay ko't nakalapag parin nang maayos sa lupa. Napaatras ang mataba sapo ang ulo niyang tinamaan ng sipa ko.
"Pasaway ka!" Tapos ay sinugod naman ako ng may bigote. He's aiming for a straight punch. Piece of cake.
Sabay ng pag-iwas ko sa suntok niya ay hinawakan ko't hinila ang braso niya't binalibag siya gamit ang puwersang binuhos niya sa suntok niyang palpak. Tapos ay iyong mataba naman ang sumugod. May dala na itong tubo at tinaas na niya ito upang paluin ako.
"YAAAAH!!"
Pero mabilis ko siyang iniwasan, masyado siyang mabagal. At habang nakayuko pa siya ay sinipa ko na siya sa mukha, sanhi upang matumba siya nang tuluyan. Ilang saglit pa'y may dumating nang dalawang kotse ng pulis at dinakip ang dalawang lalaki.
"Yo!" sinaluduhan ako ng isang lalaking naka-black coat at may dalang payong. Si Monty.
Kinuha ko ang payong ko at lumapit sa kanya. "Ang bagal n'yo namang dumating."
Tinapik niya ang balikat ko. "Good job, Cinth. Maaaring mga miyembro ito ng diatryma, baka may makuha pa tayong impormasyon mula sa kanila."
Tumango ako pero ikinainis niya iyon. "Hindi mo man lang ako babatiin? Wala man lang yakap o kiss?"
Tinalikuran ko na siya. "Ingat sa pag-uwi."
"Ito talagang batang 'to, wala na talagang galang..." narinig ko pa ang mga sintimiyento niya sa sarili tungkol sa 'kin. Ngunit hindi ko na pinansin. Basa na ako't gusto ko nang umuwi.
*~*~*~*~*~*~*
BINABASA MO ANG
The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]
Teen FictionTo give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, an undercover agent was sent to one of the schools within the place where the said syndicate nests. N...