2 : 4

103 5 0
                                    


Pagkatapos ng ilang minutong paglalakbay sa daan ay nakarating din ako sa lokasyon. Isang lumang warehouse. Medyo malayo iyon sa mismong bayan at napapaligiran din ng mga puno't halaman kaya isa itong magandang lugar para sa mga transaksyon ng diatryma. Tahimik akong nagmasid sa paligid. Walang tao sa labas ng bakuran ng warehouse.

Lumapit ako sa sementadong bakod ng warehouse na halos kasing-tangkad ko lang. Sumilip ako sa isang maliit na butas na naroon. Nakita ko ang itim na van sa labas ng mismong warehouse. May isa pang van din doon na kulay puti. At may isang lalaking nagbabantay sa labas. Iyong isa sa nagpanggap na estudyante kanina. Wala siyang dalang kahit na ano. Mabuti kung ganun.

Umikot ako patungo sa likurang bahagi saka ako tumawid sa bakod. Tahimik akong tumakbo patungo sa gilid ng naturang gusali at hinay-hinay na nag side-step patungo sa main door ng warehouse kung saan nagbabantay iyong lalaki. Sumandal ako sa pader saka unti-unti kong sinilip ang kinaroroonan ng lalaki. May katawag siya sa telepono at tumatawa pa. At nakatalikod siya sa 'kin.

Napangiti ako.

Kinuha ko ang dala kong posas sa bulsa ko saka hinay-hinay akong naglakad patungo sa kinaroroonan ng lalaki.

"Oo naman! Ikaw pa.......yeah, yeah. Sure, babe. Save our room for tonight." Pagbaba niya ng cellphone niya'y agad ko siyang sinunggaban ng kapit sa dalawang kamay niya saka ko yun pinosas-an. Tinakip ko rin sa bibig niya ang dala kong panyo na may pampatulog. After three seconds.. Bagsak.

Hinila ko ang lalaki patungo sa gilid ng warehouse. Pagbalik ko'y sumilip ako sa pinto. Limang lalaki. Iyong dalawa ay hawak-hawak ang dalawang estudyanteng babae na nakatakip ang bibig at nakagapos. Pawang mga walang malay. Kaharap naman nila'y tatlong malalaking lalaki. Ang isa sa kanila'y naka-black coat samantalang naka damit pang-alipores naman yung dalawa pa, pero armado. Obviously amo nung dalawang lalaki yung naka-coat. May dala itong isang suitcase na inabot nito sa isa sa mga alipores niya. Binigay naman ng alipores niya doon sa naka-uniform na lalaki yung suitcase. Halatang takot na takot yung lalaki nang abutin yung suitcase.

Umatras ako't kumuha ng kutsilyo. Pumunta ako sa dalawang van at binutas ang mga gulong nito. Nagulat nalang ako nang may narinig akong dalawang putok ng baril sa loob. Nang sumilip uli ako sa loob ng warehouse, nakahandusay na yung dalawang lalaki na dumukot do'n sa dalawang babae. Tapos ay kinuha na ulit nung naka-coat na lalaki yung suitcase na hawak nung lalaking binaril. Samantalang iyong dalawang bakulaw na armado ay kanya-kanya nang buhat doon sa dalawang babae na wala paring mga malay. Naalarma ako nang makita kong palapit na sila rito. Kaya madaling pumunta ako sa puting van at binuksan iyon.

Pagkasara ko ng pinto ay nagtago ako sa pinaka-likod na seat ng van saka dinukot sina Minchie at Sakura. Ilang saglit pa'y naririnig ko na ang mga yabag ng mga lalaking papunta rito. Tapos ay bumukas na ang pinto ng van.

"Ang ganda ng mga nakuha nilang chicks!" sabi nung isang lalaki.

"Sayang at hindi natin mapapakinabangan." sagot naman nung isang lalaki.

"Pero jackpot tayo ngayong gabi dahil dalawa ang nabingwit natin."

"Siguradong doble rin ang makukuha natin nito!"

Nang marinig ko ang pagsara ng van at ang pag-upo ng dalawang lalaki sa unahan ko ay agad akong tumayo at kinuryente ang mga leeg nila gamit si Minchie. Nang bumukas naman ang pinto ng driver's seat at bumungad yung lalaking naka-coat ay tinutok ko agad sa kanya si Sakura.

"Wag kang kikilos!"

Nagitla siya sa 'kin. Tapos ay kumaripas na siya ng takbo.

"Shoot!" Agad akong bumaba ng van at hinabol siya. Nang makalabas ako sa gate ng warehouse ay hindi ko na siya nakita. Sa halip, mga kotse ng agency ang nakita kong palapit rito. Bumuga na lang ako ng hininga at nagtiim ng bagang ko.

"Badtrip, nakatakas pa."

Pagdating ng mga sasakyan ay agad na bumaba si Monty kasama ng iba pang mga taga-agency. At nang makita niya ako'y nagngingitngit na siya sa galit. "You did not follow my order, agent." mahina lang ang boses niya pero puno ng diin.

"Kung hindi naman ako pumunta rito, baka wala na kayong abutan."

Hindi siya nakasagot. Sa halip ay umiwas nalang siya ng tingin saka nag-cuss sa sarili. Tapos ay nilingon niya ulit ako at nagbuntong-hininga.

"Dalhin mo na lang sa'kin ang report mo, ASAP. Umuwi ka na." tapos ay umalis na siya't humabol na doon sa iba.

"Yes sir." tapos ay naglakad na rin ako pauwi.

*~*~*~*~*~*~*

The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon