Samantha's POV
"Nay, ako na ho bahala tumapos magsampay at magligpit ng mga ginamit natin, mauna na ho kayo umuwi." sabi ko kay Inay habang pinapagpag ang huling tshirt na isasampay ko. Nandito kami ngayon sa laundry area ng bahay nila Mrs. Ramirez, isa sya sa mga pinaglalabada ni Inay dito sa bayan ng Sta. Monica.
At dahil malapit na ang pasko at saktong christmas break namin sa school ay tumutulong ako kay Inay sa paglalabada sa umaga hanggang hapon, sa hapon naman hanggang alas nuwebe ng gabi ay dalawa kami ng kapatid kong si Stephanie ang magkatulong sa munti naming ihawan sa tapat ng bahay.
"O sya anak, at sumasakit nadin ang balakang ko sa matagal na pagkakaupo." sagot ni inay habang tumatayo at hawak ang balakang.
"Magpahinga na po kayo sa bahay, ako na po ang bahala dito." habang inaalalayan siya. Hinatid ko nadin si inay hanggang sa gate nila Mrs. Ramirez. Pumara ako ng tricycle at sinabi sa driver ang barangay kung nasan ang bahay namin.
Halos wala pang 10 minuto ng matapos ako sa pagliligpit ng lahat ng ginamit namin ni Inay sa paglalaba ng sumilip si Mrs. Ramirez sa pintuan ng laundry room.
"Naku iha, pasensya na at hindi ko naiwan kaninang umaga yung bayad sa inyo ni Meling." paumanhin ni Mrs. Ramirez habang palapit sa akin.
"Naku wala pong problema yun, paalis palang din naman po ako at si Inay po ay nauna ng umuwi." sabi ko habang nagpupunas ng basang kamay sa tsirt na suot ko.
"Oh eto ang 400, pakisabi sa nanay mo salamat ha". sabay abot sa palad ko ng pera.
"Wala pong anuman, babalik nalang po uli kami ni Inay sa makalawa. Salamat po." nilagay ko na ang pera sa bulsa at magpapaalam na sana ako para umalis ng magsalita si Mrs. Ramirez.
"Sya nga pala iha, may dadating akong kapatid sa makalawa, galing sa Australia at nakabili sila ng bahay dyan sa may dulo. Plano nilang mag for good na dito sa Pinas, kaya naisip ko na ang inay mo nalang ang kunin nilang labandera.' paliwanag ni Mrs. Ramirez na ikinatuwa ko, madadagdagan na naman ang paglalabhan ni inay, sana mabait din ang mga ito katulad ni Mrs. Ramirez.
"Salamat po, sasabihin ko po kay inay at tiyak na matutuwa yun, madadagdagan ang paglalabhan nya." sagot ko sa kanya habang nakangiti. Sa ngayon kase, sa loob ng isang linggo ay apat ang pinaglalabhan ni inay. Mababawasan na ng isa dahil kumuha na ng stay in na katulong sina Aling Cedes, kaya kahapon ay huling laba na ni inay sa mga ito.
Mabilis na nagpaalam na ako kay Mrs. Ramirez at umuwi na ng bahay.
Pagdating sa bahay ay naabutan kong nagkakape si Inay sa kusina,habang nagtutuhog ng isaw ang kapatid kong si Steph, nagmano ako kay inay at inabot ang pera na galing kay Mrs. Ramirez at umupo ako sa tabi nya. kumuha ako ng stick para tulungang magtuhog si Steph, halos patapos nadin naman sya sa pagtutuhog ng mga paninda at sinasalansan nalang sa palanggana para mailabas na namin mamaya maya. Betamax, isaw, ulo at paa ng manok ang tinitinda namin. Kumikita kami ng 200 isang araw sa pagtitinda na binibigay namin kay inay para pandagdag sa gastos dito sa bahay, yung pera na allowance namin galing kay Mayor ay hndi naman namin nagagastos lahat kaya may naitatabi kami ni Steph para sa mga personal na pangangailangan at hndi na humingi pa kay inay. Lalo na ngayong magpapasko, gusto kong bigyan ng regalo sina Inay at kapatid ko, kahit yung simple lang at hndi mamahalin, its the thought that counts sabi nga nila. May nabili nadin naman ako para sa kanila.
Dalawa lang kaming magkapatid ni Stephanie, ang tatay namin ay matagal ng patay. Naaksidente ito sa pinagtatrabahuhang construction site halos 10 taon na ang nakakalipas. Kaya ang inay ang mag-isang nagtaguyod sa aming dalawa. 19 yrs. old na ako at nasa 3rd yr college sa kursong Business Management, habang si Steph naman ay 17 at 1st yr college sa kursong Accounting. Pareho kaming scholar sa Sta. Monica University dito sa aming bayan, kahit kapos kami ay hndi naman maipagkakaila na may ibubuga kami ng kapatid ko pagdating sa academics.
BINABASA MO ANG
Loving Maxwell - GxG Story
RomanceMaxwell Herrera, a drop dead gorgeous meets Samantha del Rosario, ang anak ng labandera na si Aling Meling at babaluktot sa straight as a pasta na si Maxwell. How far their love for each other can go, and who is willing to sacrifice one's love for...