Maxwell's POV
Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig, lumabas ng washroom at mabilis na hinanap si Sam.
Syet! ano ba kase yung pumasok sa kukote ko at nagawa kong halikan si Sam, na isang babae!
Hindi ko maintidihan pero parang nawala ang lasing ko ng matumba kami at nung titigan ko ang mga mata nya, tila nawala ako sa sarili.
"Sam, you are so beautiful." parang sirang plaka na paulit ulit nagplay sa isip ko yung sinabi ko kay Sam at pagtapos...parang may lucifer na nagtulak sa akin at hinalikan ko sya!
What's wrong with me?! Ako pa talaga ang humalik sa kanya. Ako na straight as a ruler.. oh wait! Hell no! Kilala ko ang sarili ko at alam kong babaeng babae ako.
I need to find her at kaylangan kong humingi ng sorry ayokong isipin nya na isa akong lesbian. I swear to god! coz really am not!
And there you are! Nandun sya nakabalik na sa table namin. Umupo ako sa pwesto ko at tinignan sya. Ako lang ba o parang lalo syang gumanda? Tsk malala na to, nakaka-appreciate naman ako ng ganda ng ibang babae pero bakit sa kanya, parang there is something na gusto ko lagi ko syang titigan. Hindi naman ako ganito bago nangyari yung hal-- wait, OMG! ano na bang nangyayari sa akin? Am i straight as a pasta now? na pag pinakuluan at nainitan ay bumabaluktot?!
"Are you ok Max, namumutla ka ah?" tanong sa akin ni Chase.
"y-yeah im fine, pagod lang siguro." pagsisinungaling ko. Kailangan kong makausap si Sam, ayokong malaman ng iba ang nangyari dahil hindi ko ito kagustuhan!
Really Max? hindi talaga kagustuhan? tudyo sa akin ng konsensya ko.
Uminom ako ng tubig at napadako ulit ang tingin ko kay Sam na ngayon ay busyng busy sa cellphone nya, halatang iniiwasan ako. Dibale kukuha ako ng magandang timing kailangan magkausap talaga kami. Grabe!nawala ata yung lasing ko dahil sa hal--- erase!Ayoko ng isipin yun! Iinom nalang ulit ako para di ko na maalala yun.
Tungga dito, tungga doon ang ginawa namin pero himalang ni isa samin wala pang nalalasing. Well, maliban kay Steph na naka anim na bote na at hinatid nalang ni Danica sa guest room para makapag pahinga. Si Sam naman, hindi na sya uminom matapos maubos yung isang bote ng san mig? hndi nadin namin sya napilit kaya hinayaan nalang namin. Masaya sila ngayong naguusap ni Maxine na akala mo hindi kami nageexist!
The nerve of this girl! pagtapos ng nangyari sa amin ay hndi man lang nya ako magawang lingunin? at ito namang Maxine na to akala mo tuko, kanina ko pa napapansin na palapit ng palapit yung upuan nya kay Sam tapos panay ang hawak dito, eto namang isa gustong gusto!
Tumungga ulit ako ng alak mula sa shotgloss na kanina ko pa hawak, gigil ako bes! napansin ko pa yung kamay ni Maxine na hawak na ngayon yung isang kamay ni Sam. Aba dito pa talaga kayo naglampungan! Mga taksil!
Nahuli kong nakatingin din sa akin si Sam, tinitigan ko sya ng masama at parang nakakaintindi naman na pasimpleng inalis ang kamay mula sa pagkakahawak ni Maxine. hmp! Makuha ka sa tingin!
Mabilis lumipas ang oras at isa isang nagpaalam ang mga bisita. Ginising ko nadin si Steph dahil nagsabi nadin si Sam na uuwi na sila.
"Mrs and Mr. Herrera uuwi na po kami, maraming salamat po." magalang na paalam ng magkapatid kina Mom and Dad. Hinanap ko si Danica at Maxine ang kaso nauna na daw nagpahinga. Since hndi pa naman ako lasing masyado, ako na ang nagprisintang maghatid sa knila. Malapit lang naman.
"Ready?" tanong ko sa kanila ng makapasok kami sa sasakyan ko. Si Sam nalang ang sumagot na nandito sa passenger seat dahil si Steph ay nakatulog ulit sa likod.
BINABASA MO ANG
Loving Maxwell - GxG Story
RomantikMaxwell Herrera, a drop dead gorgeous meets Samantha del Rosario, ang anak ng labandera na si Aling Meling at babaluktot sa straight as a pasta na si Maxwell. How far their love for each other can go, and who is willing to sacrifice one's love for...