Epilogue

15.2K 331 195
                                    

6 years later...

Maxwell's POV

"You can do it babe! Push harder!" sabi ko kay Sam habang hawak ng mahigpit yung kanang kamay nya at hinahalik halikan yun.

"Kasalanan mo tong pangit ka! Hinayupaaaaak kang tarantado ka Maaaaax!" napapangiti ako sa lumalabas sa bibig ni Samantha.

I've been warned by the doctor na masasama daw talaga yung mga lumalabas sa bibig ng mga nanganganak dahil sa nararanasan nilang sakit.

"Konting push pa Sam! Malapit na lumabas!" sabi naman ng doctor.

"Aaarghhh!! Papatayin kita Maxweeeeeell!"

"Last push babe! Para mapatay mo na 'ko!" sabi ko. Umire naman sya ng malakas at buong pwersa.

Uha! uha!

"It's a gay!" sabi ng doctor na walang iba kundi si Miller, na matalik naming kaibigan.

Nagtawanan naman yung mga nurse na kasama namin dito sa delivery room.

"Umayos ka Miller kung ayaw mong isaksak ko yung gunting sa lalamunan mo!" sabi ko.

"It's a girl, Maxwell! Congratulations to both of you!" sabi nya habang nakangiti.

Napangiti akong tumitig sa babe ko. Pawis na pawis sya pero halata yung sobrang saya sa mukha nya.

"Are you ok babe?" tanong ko habang pinupunasan yung mukha nya. Tumango naman sya.

"Ang ganda ng anak natin babe, kamukhang kamukha ko!" ngumiti lang sya ulit, kung may lakas lang to baka kanina pa ko nangudngod.

Nung hindi pa kase sya nanganganak,lagi nyang sinasabi na magiging kamukha nya yung baby, tapos pag sinabi kong kamukha ko nagagalit sya! Ang weird noh? Gusto nya sya lang.

Sinadya naming hindi alamin yung gender ng baby para surprise. Pag lalaki, Samuel ang ipapangalan namin pero pag babae naman, Paige Chelsea.

Nagpakasal kami sa Australia 2 years ago, nanirahan kami ng isang taon dun bago bumalik ulit dito sa Pilipinas para paghandaan naman yung pagbubuntis ni Samantha.

Sam have undergone an IVF process, it was my egg cell and Chase's sperm.

"Here you go." abot sakin ni Miller kay Paige. Ang cute!

Pero bat ganun? Kamukhang kamukha ni Sam si Paige!

Siguro pinaglihian ng babe ko yung sarili nya?Ah tama! Posible nga siguro yun.

But anyway, it doesnt matter kung sino ang kamukha ni Paige. Mas maganda kaysa sakin si Sam kaya ok narin yun.

"Paige, I want you to meet your beautiful mommy Sam..." sabi ko habang nilalapag si baby sa tabi ng nakapikit na si Sam.

Dumilat naman sya pagkarinig sa ingit ng sanggol.

"She looks like an angel..." sabi ng babe ko habang tumutulo yung luha pero nakangiti.

"Yes babe, an angel like you." sabi ko. Humiga ako sa kabilang bahagi ng bed ni Sam saka ko sya niyakap.

Lumingon naman sya sakin bago nagsalita.

"Mahal na mahal kita Maxwell...kayo ni Paige."

"Mahal na mahal ka din namin ni baby, babe." sagot ko bago ko sya hinalikan sa labi.

Ilang araw pa kaming nagstay sa ospital bago nadischarge ang mag-ina ko.

Pagbaba namin ng sasakyan ay madaming tao ang naabutan namin na naghihintay sa garden.

Dito parin kami nakatira sa apartment pero yung kwarto ni Sam before ay pinaconvert namin para maging nursery ni Paige.

"Welcome Home Paige!" basa ko sa malaking banner na nakakabit sa taas ng maindoor ng apartment.

Kinuha naman ni Inay Meling yung apo nya, lumapit din sa kanila si Mom at Dad pati na si lola saka pinanggigilan yung baby.

Lahat sila tuwang tuwa pagkakita saming tatlo. Kumpleto lahat pati mga kaibigan ko nandito din. Si Dra. Mona, pati narin yung mga kasamahan ni Sam sa clinic.

Inalalayan ko si Sam na maglakad dahil medyo nanghihina parin sya.

"Next time, ikaw naman magbubuntis ha!" sabi nya sakin habang inaalalayan ko syang maupo dito sa may gilid ng garden.

"Bat ako?! Ayoko nga! Saka ok na si Paige wag na nating sundan babe." sabi ko.

"Ang usapan natin tatlo ang magiging anak natin, kaya ikaw ang magbubuntis sa dalawa, maliwanag?!" pinanlakihan pa nya ako ng mata. Kakatakot talaga tong babe ko!

"Ayoko!" matigas kong sabi.

Tinignan nya ako ng masama.

"Joke lang babe, oo ako magbubuntis kahit lima pa kung gusto mo eh!" nakangiti kong sabi.

"Joke lang din Maxwell... sa ngayon kuntento na ako kay Paige, saka nalang natin isipin yan kapag malaki na sya." haaaay salamat! akala ko seryoso sya eh! ayokong magbuntis noh!

"I love you babe.." sabi ko saka ko sya hinalikan sa lips ng medyo matagal.

"I love you too Maxwell..." sagot naman nya ng maghiwalay ang mga labi namin.

Inakbayan ko sya, inihilig naman nya yung ulo sa balikat ko saka sabay naming minasdan ang paligid na napupuno ng mga masasayang taong paroot parito. Mga taong nagmamahal at malapit sa puso namin ni Samantha.

Wala na akong mahihiling pa...I have everything, my Samantha and Paige.

The end.

————

Thank you po sa inyong lahat mga chikababes! 😘

PLEASE SUPPORT MY NEW STORY ENTITLED
ASSIDUOUS DANICA
Another GxG Story ng inyong lingkod, iKnife007

Loving Maxwell - GxG StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon