Chapter 27

6.3K 174 23
                                    

Sam's POV

"Kung may gusto kang sabihin sa isang tao, ano yun?" tanong ko kay Maxwell habang nakaupo sa lamesa at hinihintay maluto yung bulalo na hinahalo ko.

"Like what?" tanong nya.

"Like yung deepest secret mo ganun..basta anything.Yung kunwari mamamatay kana bukas tapos nasa harap ka ng pari at nangungumpisal." sagot ko.

"Hmm.." tumayo sya para kumuha ng mga pinggan.

"Isipin mo ako yung pari tapos makikinig ako sayo." nagsandok ako ng kanin at ulam ska nilagay sa tapat nya.

Hindi sya kumibo kaya umupo ako sa tabi nya.

"Dali na, kunwari lang naman eh. Ano yung deepest secret mo na gusto mong ikumpisal." sinundot ko sya sa tagiliran.

"Mahal kita." maiksing sabi nya bago kumuha ng kanin at ulam ska sumubo ng sunod sunod.

Napatingin ako sa mga mata nya. Lungkot. Yan ang nakikita ko kahit hindi sakin nakatingin ang mga yun.

"May gusto akong itanong sayo." sabi ko.

"Ano yun?"

"May wish ka ba? I mean yung gustong gusto mong matupad?" tanong ko, nagsandok nadin ako ng pagkain ko saka sumubo.

Huminto sya sa pagkain saka nilagay yung hintuturo sa baba at tila nagiisip.

"Gusto kong...ano.. ahhh.. gustong ko maging masaya lagi yung mga mahal ko sa buhay. Saka ikaw...I mean gusto kong mahanap mo yung taong magpapasaya sayo at mamahalin ka ng buong puso." sabi nya. Napaisip naman ako pero pinili ko nalang na hindi kumibo.

Nandito kami ngayon sa sofa, kakatapos lang namin maglinis ng pinagkainan. Habang nanonood ng tv, katext ko si Gabby.

Me: Can we meet tomorrow? Kain lang sa labas.

Mabilis naman syang nagreply.

Gabby: Sure, what time?

Me: Mga 5pm. Send ko nalang sayo yung location kung san restaurant.

"Maghihilamos lang ako." sabi ni Maxwell saka umakyat. Tumango naman ako.

Gabby: okay sure.

Hindi na ako nagabalang replyan pa sya. Kumuha ako ng towel at pumunta din ng banyo. Nakita kong naghahalf bath si Maxwell dito sa glass partition. Hindi naman sya kita masyado dahil frosted yung glass.

"I think...I'm inlove." sabi ko, nakatayo ako dito sa may sink habang nilalagyan ng toothpaste yung sepilyo ko.

Hindi sya kumibo kaya nagpatuloy ako.

"Ang sweet kase nya eh saka feeling ko seryoso sya sakin."dugtong ko pa.

"Si Gabby ba yan?" tanong nya matapos ang ilang segundong katahimikan. Lagaslas lang ng tubig ang maririnig.

"Yup!" masiglang sagot ko. Hindi naman na kumibo si Maxwell at nagpatuloy nalang sa pagshower.

"Magkikita nga kami bukas, kakain kami sa labas." sabi ko.

Lumabas na sya ng shower na nakatapis.

"Ingat kayo bukas and enjoy ha." binigyan nya ako ng matamis na ngiti kaya napangiti din ako.

"Yes po! Thank you.."sabi ko. Tumango lang sya saka lumabas na ng banyo. Mabilis narin akong naghilamos at nagpalit pangtulog.

Sinilip ko yung room ni Maxwell pero nakapatay na yung ilaw, halatang tulog na.

Humalik nalang ako sa pisngi nya at bumalik na agad sa kwarto ko para matulog narin.

.....

Kinabukasan, same routine. Maaga kaming pumasok sa school ni Maxwell. As usual dun lagi sya nakaupo sa likod kasama sina Chase at Dani dahil hindi daw sya makapag concentrate kapag katabi ako.

Loving Maxwell - GxG StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon