Chapter 8

10.4K 294 26
                                    

Sam's POV

Mabilis lumipas ang araw at bagong taon. Tatlo lang kaming nagcelebrate nila inay at Steph nung new year. Bumisita din sila Danica, Maxine at Maxwell nung mismong araw na yun pero kinagabihan ay umuwi din sila para magcelebrate ng New Year's Eve kasama ang family nila.

Matapos ang sleepover namin kina Maxwell ay naging madalas ang pagpunta nila dito sa bahay. Lalo na si Max, kasundong kasundo nya si inay at Steph. Kahit magisa lang sya, ay nagpupunta pa din. Diko nga alam kung anong meron dito sa bahay namin at lagi silang natambay.

Naging mas madalas din kaming magchat at magkatext ni Max. Aaminin ko after nung gabing niyakap nya ako ay gumaan yung pakiramdam ko sa kanya, at sya naman ay naging sweet sa akin. Kung lalaki nga lang yun, iisipin ko na may gusto sya sa akin eh.

Pero baka hndi naman kase ganun yun sa kanya at talagang natural lang na sweet sya sa lahat. ayokong mag assume.

Nagsasaing ako ngayon para sa tanghalian. Wala si inay, naglaba. Hindi na nya ako isinama mula kahapon para daw makapagpahinga ako dahil ilang araw nalang ay pasukan na. Si steph naman ay nagpunta sa kaibigan nyang magdedebut. Kaya mag isa lang ako ngayon dito.

Tok, tok, tok

Hmm? sino kaya to? Nagpunas ako ng kamay bago naglakad papuntang pinto. "Sino yan?" sigaw ko bago buksan.

"Hi Sam!" masiglang bati ni Maxwell. Bat andito to? ang aga naman.

"Hello, Max bak--" hindi pa ako natapos magsalita pumasok na agad at dumeretso sa kusina. Napataas kilay at napailing nalang tuloy ako. Sinundan ko sya sa kusina at nakita kong nakaupo na sa mesa.

"Anong lulutuin mo?" tanong nya habang binubuklat yung plastic na may lamang mga gulay.

"Pinakbet. Bat napadpad ka? asan sila Dani?" tanong ko, kinuha ko yung plastic at inilayo sa kanya baka kung ano pang gawin eh.

"Boring kase sa bahay, lahat sila wala kaya naisipan kong puntahan ka." sabi nito nakapout pa na akala mo inapi. Ang cute lang!

"Ahhh.." tumango tango ako. Nagumpisa na akong mag-hiwa ng gulay.

"Ayaw mo bang nandito ako?Sige uuwi nalang ako." nakasimangot na sagot nya at akmang tatayo.

"Sus! Eh nandito ka na, alangan namang paalisin pa kita. Saka ipapatikim ko sayo tong iluluto ko, sigurado hindi kapa nakakakain ng pinakbet." sa totoo lang kahit makulit si Max, gustong gusto ko nandito sya.

"Hindi pa eh, tulungan na kita dyan." sabi nya sabay tayo at kumuha ng kutsilyo at sangkalan.

"Kaya mo ba?" duda ako dito eh.

"Oo naman noh, anong palagay mo sa kin!" aba sige tignan natin. Inabot ko yung ampalaya sa kanya.

"Oh sige, gayatin mo yan." sabi ko. Bago ako tumalikod at sinilip ang sinaing. Malapit na pala maluto. Hininaan ko yung apoy. Isinalang ko nadin yung kawali at nilagyan ng mantika.

"Max! Anong ginawa mo?!"nalingat lang ako saglit, yung ampalaya nagmukhang giniling! Kasama pa yung mga buto buto!utang na loob!

Kinuha ko sa kanya yung kutsilyo at durog durog na amplaya at itinapon sa basurahan, habang sya naman ay kakamot kamot ng kilay.

"Dyan ka lang! manood ka nalang sakin ok?" sabi ko. Bubulong bulong naman ito na nakasimangot. "May sinasabi ka?" tanong ko.

"Wala naman..hehe. Eh ano nalang pala gagawin ko?"tanong nya.

"Sige kantahan mo nalang ako para magkasilbi ka naman."sabi ko habang naguumpisa ng maggisa ng gulay.

"Ok. ehem! Test mike, test." natatawa ako, may test mike pang alam eh yung kutsara yung ginawa nyang mic.

Loving Maxwell - GxG StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon