Sam's POV
"Hello Sam! How's your day ?" napataas ang tingin ko, si Maxwell.
Hindi ko na sya napansin pumasok dito sa clinic pano subsob ako sa report na ginagawa ko. Napangiti ako. Ang cute kase nya ngayon. Gustong gusto ko lagi yung porma nya na nakaplain tshirt lang tas skinny.
"Hi Max! eto busy masyado." tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Halata nga, di mo napansin yung pagpasok ko eh. Si Tita Mona?" tanong nya sakin after humalik sa pisngi ko.
"Nandun sa treatment room pero wala naman syang patient. gusto mo tawagin ko?" wala na kaming patient ngayon kase malapit narin naman kami magsara, 10mins nalang.
"Hindi na, puntahan ko nalng sya dun. May pinapasabi lang kase sa knya si Mom." hinawakan nito ang kamay ko bago naglakad na papunta sa room kung nasan si Dra. Mona.
Pagtapos iprint yung report pinatay ko na yung computer at inayos yung mga gamit ko. Sya din paglabas ni Max at Dra na nagtatawanan, tapos na siguro sila magusap.
"Oh Samantha halika nat magsiuwi na tayo." nkangiti ito sakin habang palapit. Tumango ako at Inabot sa kanya yung printout ng report at isinukbit ko na yung bag ko sa balikat.
"Cge mga iha mauna na ko sa inyo ha, magingat kayo sa paguwi." sabi ni Dra habang kumaway ito samin at pumasok na sa loob ng kotse nya.
...
Nandito na kami ngayon sa bahay, maalala ko dito pala matutulog si Max.
"Hindi ka pa ba uuwi?" biruin ko nga.
"Ha? diba dito ako matutulog?" naniwala naman ang loka.
"May sinabi ba ako?" pinipigilan kong mapangiti.
"Sige uuwi nalang pala ako!"tumayo sya at akmang lalabas na ng pinto. Natatawa ako ambilis naman nya magtampo.
"Ikaw alam mo di ka na mabiro!" hinila ko sya sa braso at pinaupo sa sofa. Yung kaninang pout nya napalitan na ngayon ng ngiti. Halatang natutuwa.
"Talaga?! payag ko dito ako matutulog? Kala ko pa nam—" tinakpan ko yung bibig nya pano ang lakas na namn ng boses natutulog na mga tao dito.
"Yang bunganga mo Maxwell!" bulong ko habang nakatakip yung kamay ko sa bibig nya.
"Ayyy!" napatili ako ng mahina pano kinagat kagat nya yung palad ko, nakakakiliti kaya. hinampas ko sya sa braso pero ang loka pangiti ngiti lang.
"Halika na nga sa taas wala ka talagang alam kundi kalokohan!" sabi ko.
"Buhatin mko baby.." puppy eyes pa ang loko.
"Heh! sa ganda kong to magpapabuhat ka sakin ginawa mo kong kargador!" bwisit na to.
"Oh eh di ako nalang pala bubuhat sayo paakyat. Gusto mo bridal style?" ang kulit! hinila ko na yung kamay nya at sabay na kaming pumanhik.
Pagkapasok sa kwarto ay agad na akong dumeretso sa cabinet para kumuha ng damit pampalit. Maghihilamos nadin ako kaya pagkakuha ng pamalit ay nagpaalam ako sa kanya na pupunta ng banyo.
Tumango lang sya habang nakaupo sa lapag at busy sa paglalaro sa phone nya.
Wala pang 10mins tapos nko at nakapgbihis na. Sumunod naman sya, nanghiram sakin ng towel kase maliligo daw sya.
Inaayos ko tong mga gamit ko sa bag ng bumukas ang pinto.
"Sam pahiram naman ako ng damit oh. wag ng undy kase meron naman akong dala." naglakad sya papunta sa bag nya at kinuha yung undy nya dun. Tumayo naman ako para kumuha ng damit para sa kanya. Pagkaabot bumaba na ulit sya.
BINABASA MO ANG
Loving Maxwell - GxG Story
Roman d'amourMaxwell Herrera, a drop dead gorgeous meets Samantha del Rosario, ang anak ng labandera na si Aling Meling at babaluktot sa straight as a pasta na si Maxwell. How far their love for each other can go, and who is willing to sacrifice one's love for...