Samantha's POV
Busyng busy kami ngayon ni Steph sa pagtitinda ng biglang may kotseng pumarada dito sa tapat namin. Iniluwa noon... si Danica at Maxine? Teka anong inagawa ng mga to dito? Sa pagkakaalam ko hindi naman madalas napapadpad dito si Danica, minsan lang ng hinatid nya si inay, pero mahigit isang buwan na ang nakakalipas.
"Aba hindi bat si Danica yun, bat sila naparito?" tanong ni inay habang palipat lipat ang tingin nya sa akin at sa dalawang taong palapit dito sa bahay namin. Tignan mo to si inay, ako tatanungin, malay ko ba hellleeer?
"Magandang gabi po Nay Meling." magalang na sabi ni Danica kay inay sabay mano. Nagmano din si Maxine kay inay. Akalain mo yun magalang naman pala yung babaeng pinaglihi sa smirk?
"Kaawaan kayo ng dyos mga iha.Eto naba ang anak ni Sonia?Abay kaygandang bata nire." puri ni inay kay Maxine na nakangiti halatang natutuwa sa sinabi ni inay.
"Opo, sya nga po nay Meling. Sya po si Maxine, bunso po nila tita Sonia at tito Maximo."sagot ni Danica. Sabay abot ng nakaplastic na ewan ko kung ano yun. Napansin kong napatingin sakin si Maxine at ngumiti.
"Sya nga pla nay Meling, Sam pasalubong namin sa inyo galing sa Australia." sabi ni Maxine na ikinagulat ko dahil marunong naman pala syang magtagalog at aba nakiki 'nay' din ito sa nanay ko. Fc lang teh? Last time i checked inipit mo ko sa gate! But wait, she called me Sam? Iilang tao lang kase ang tumatawag sakin nun, at halos lahat mga kaclose ko. So feeling close talaga tong si Maxine?
"S-salamat." nahihiya kong sabi kay Maxine habang si Danica naman ay napansin kong nag-thumbs up kay Maxine. Anyareh? Anong meron at may pa-thumbs up pa silang alam?
"Halikayo mga iha, pumasok muna kayo sa loob." yaya sa kanila ni Inay. Si steph pala nasa loob at kumukuha pa ng mga bagong tuhog na paninda para ilabas.
"Naku nay Meling, dito nalang po kami sa labas. Mas presko po dito at saka para makakwentuhan din namin itong si Samantha."nakangiting baling sa akin ni Danica. Napansin kong kanina pa nakatingin tong si Maxine dito sa mga pinapaypayan ko.
"Ano yun?"narinig kong pabulong na tanong nya kay Danica.
"Gusto mong tikman?" tanong naman ni Danica na ikinatango ni Maxine.
"Samantha pabili naman kami ng tigdadalwang piraso ng mga yan." baling sa akin ni Danica.
"Sige. sandali lang to maiihaw. Sigurado ka bang kumakain ng ganito yung kasama mo, baka naman sumakit ang tyan nyan sisihin mo pako?" tanong ko sabay nguso sa katabi nya.
"Gusto nya daw eh, at wag kang magalala binalaan mo naman kami eh."pabirong sabi ni Danica.Natawa din si Maxine. Aba akala yata neto nagbibiro ako, pag sumakit tyan mo wag na wag mo lang talaga ako sisisihin. Mukha kaseng puro steak lang ang kinakain neto, well of course alam ko si Danica kumakain neto kase dinadalhan ko sya madalas ng mga ito pag naglalaba kami sa kanila lalo na pag may tira tira. Joke! Paborito ni Danica ang mga ito kase hndi naman sya maselan.
Ilang sandali pa ay naluto na ang mga ito, inabot ko sknila at itinuro ang sawsawan na tatlong klase na nakalagay sa harap.
"Masarap..."sabi ni Maxine pagtapos sumawsaw at kumagat sa isaw. Napangiti ako, di din naman pala maselan at maarte.
"Oo nga pala Samantha, gusto ka sana naming iinvite sa welcome party nila Maxine sa isang araw. Isama mo na si nay Meling at Stephanie." sabi ni Danica habang ngumunguya.
"Naku salamat nalang pero hndi siguro kami makakapunta. Alam m naman may labada kami at sa hapon nagtitinda." tanggi ko agad kay Danica. Nakakahiya kaya kung pupunta kami kase d naman namin ganun kaclose ang pamilya nila Maxine. At baka puros mayayaman ang mga aattend dun.
BINABASA MO ANG
Loving Maxwell - GxG Story
RomanceMaxwell Herrera, a drop dead gorgeous meets Samantha del Rosario, ang anak ng labandera na si Aling Meling at babaluktot sa straight as a pasta na si Maxwell. How far their love for each other can go, and who is willing to sacrifice one's love for...