Chapter 35

7.1K 166 18
                                    

~ Just because it hurts, doesn't mean it isn't worth it. And even if it stings, it's just a temporary thing. I'm not saying that changing won't cost you love or make you cry. But it will all make sense, when the growing pains subside...

________________________________________________________________________________

Samantha's POV

Dumaan ang araw at ilang linggo pero wala ng Maxwell na kumakausap sakin.

Halos isang linggo na mula ng umalis ako sa apartment at bumalik na sa bahay namin. Hindi ko na kayang tiisin pa yung pambabalewala sakin ni Maxwell. Sinoli ko nalang yung mga susi kay Dra. Mona.

Yung mga gamit ni Maxwell iniwan ko na dun.Bahala sya. Tapos nakong magpakatanga at umasa na magiging ok pa kami.

Masaya naman ako kahit papano dahil totally magaling na sya at pumapasok na sa school.

Nakapangalumbaba ako dito sa desk habang hinihintay yung prof namin nang makita kong pumasok yung dalawa, kasunod si Maxwell.

Nginitian ko lang si Chase at Dani pero di ko pinansin si Maxwell.

Kung ayaw nya akong pansinin di wag! Ang sakit lang kase wala akong ginawa kundi mahalin sya tapos ganito pa yung igaganti nya. Maraming beses kong tnry na kausapin sya pero sya mismo yung umiiwas, I think I've done my part, enough na siguro yun. Kahit masakit sakin yung layuan sya, wala nakong magagawa.

"Sam tabi tayo ha." sabi ni Dani. Tumango lang ako saka nagbasa nalang ng libro.

"Hmm Sam, bakit hindi kayo nagpapansinan ni Maxwell?" alanganing tanong nya.

"Sya tanungin mo, wag ako." masungit kong sabi.

"Tinanong ko na sya eh."

"Anong sabi?" tanong ko.

"Uuuy interesado!" sinundot pa yung tagiliran ko.

"Dati oo, pero ngayon wala nakong pakealam sa sasabihin nya lalong lalo na sa kanya." inisnaban ko sya.

"Sungit naman neto, may dalaw ka ba?"

"Wala! Dun ka na nga lang sa likod kung aasarin mo lang ako." sabi ko.

"Ayoko dun, gusto ko katabi ka para pakopyahin mo ulit ako pag may quiz." sabay akbay sakin.

"Dyan ka magaling! Hindi ko talaga alam kung ano nagustuhan sayo ng kapatid ko eh, sasabihan ko nga yun na iwasan ka na." pananakot ko sa kanya.

"Uy uy! grabe ka naman sakin Samantha!Sige na tatahimik nako"at tumahimik na nga sya. Si Steph lang pala panakot sa kanya eh.

Hindi nalang ako nagsalita pa ulit, baka humaba pa eh.

Pagtapos lahat ng klase pumasok na ko sa clinic. Busy kami dahil ang daming pasyente lalo pa at friday ngayon, hindi ko na tuloy namalayan na mabilis din natapos yung duty ko.

Nag-aabang nako ng jeep ng may tumayo sa gilid ko.

Hmmmm...Sycomore by Chanel.

Pabango pa lang alam ko na kung sino. Hindi ko sya pinansin pero nanatili akong nakatayo sa pwesto ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?" sabi nya.

Hindi ako kumibo. Natanaw ko na may paparating na jeep kaya pinara ko ito, huminto naman. Sasakay na sana ako pero hinawakan nya ako sa braso.

"Bitawan mo ko, wala akong panahon sayo."sabi ko sa mahina pero matigas na boses. Halatang nagulat sya sa inasal ko.

Kapal nya din ah! Halos ilang linggo ko syang hinabol habol para lang tanungin kung bakit nya ako iniiwasan at kung anong problema nya sakin, pero ano? Nagmukha lang akong tanga!

Loving Maxwell - GxG StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon