Chapter 2

17.7K 380 21
                                    

Maxwell's POV

"Is this your crappy cellphone? Here!" muntik na akong mapahagalpak ng tawa sa babaeng nasa harap ko habang sinasalo nya yung hinagis ko.

Paano ba naman ang epic ng mukha nya. Well although she's still look cute. Wait, what? cute? did i just say she's cute? Erase erase!


Flashback

Kakarating lang namin ni Maxine dito sa bahay nila Aunt Susan, inimbitahan nya kaseng dumito muna magpalipas ng oras habang inaayos pa yung mga gamit namin sa bahay. I was about to go to the kitchen a while ago pero nagkamali yata ako ng pasok dahil dito sa laundry room ako napadpad, and when i was leaving to continue for the kitchen area dahil sobrang nauuhaw nako, an old model cellphone na nakapatong sa washing machine caught my attention dahil umilaw ito. Marahil may nagtext or tumatawag. Thinking that it was my Aunt's, i grabbed it and went straight to the kitchen na katapat lang pala ng laundry room. Iinom muna ako ng tubig bago ko iabot kay Aunt Susan. While drinking, nagvibrate at umilaw ang hawak kong cellphone.

"Brea sent you a photo." sabi sa notification ng messenger. Brea? who's that? wala akong maalala na ganung pangalan. Ahh baka tauhan ni Auntie sa bakeshop naisip ko. Inislide ko yung unlock, aba! walang passcode. Halatang matanda ang may ari. I clicked the messenger and nagulat ako sa nakita!

Si Brea, nagsent ng photo ng babae?wait, may message pala after sinend yung photo.

"Beshy ang ganda mo jan sa pic promise, ayan nalang gawing mong profile para magka bf ka na!"basa ko. Tinignan ko yung profile ng receiver.

Samantha Del.

Syet so hindi pala kay Auntie to? Naglakad ako papunta sa laundry room para ibalik na sana yung cellphone pero nagulat ako ng may nakita akong babaeng nakatuwad na tila may hinahanap malapit sa washing machine.

Medyo lumilis yung damit na suot nya kaya nakita ko ng bahagya yung likod na naexposed, wow ganda ng kutis ni ate. Flawless pak na pak. agad na pumasok sa isip ko na sya ang may ari ng cellphone kaya agad kong tinignan ulit yung cellphone, selected the contact icon, on top of it, there! 0917********, i quickly memorized the number. Kung di nyo naitatanong ay meron kase akong photographic memory. kaya naman sa school sa australia ay nangunguna ako sa klase dahil sa gift ko na to bukod pa sa pagiging  intelligent ko.

I saw the girl standing up, woah! hindi lang pala sya flawless kundi may ibubuga din ang kagandahan. Pero mas maganda ako! at mas maliit sya!

Bago pa nya ako makita ay inunahan ko ng kunin ang atensyon nya. "Is this your crappy cellphone? Here!" sabay hagis ko ng cellphone.

End of flashback

And there, nakatanggap lang ako ng matalim na tingin galing sa babae. Psh! Di man lang nagpasalamat! "Well, thank you!" sigaw ko pagkalampas nya sa akin pero di man lang ako tinignan. Ang sama ng ugali!

Lumabas na ako ng laundry room at pinuntahan si auntie na nasa likod bahay pala kasama si Maxine.

Me and maxine, including my parents migrated in Adelaide, Australia since i was 10 yrs old because of my dad's line of work. He's a neurosurgeon. My mom, owns a company back there which is a garment factory na iniwan nya na lang ngayon sa pamamahala ng tito namin na tatay ng cousin kong si Danica. Every now and then, hindi naman namin nakakalimutan umuwi dito sa Pinas kapag bakasyon na at holidays.

Lagi kami nagsstay kina lola sa Laguna at dinadalaw dalaw na  lang namin sina Danica at Aunt Susan dito sa Sta. Monica. I also have a lot of close friends sa Laguna since dun talaga kami nakatira before we migrated to Adelaide. Sila din ang kasa kasama namin ni Maxine everytime na umuuwi kami dito. Hindi pa pala alam ng mga kaibigan namin na nakabalik na kami dito sa Pinas at planong mag stay na for good. Dibale, uuwi naman kami dun bukas para sunduin si Danica at lola, iinvite ko nadin ang mga friends namin dun para sa nalalapit na welcome party para sa amin na gaganapin sa Dec. 23.

Loving Maxwell - GxG StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon