Samantha's POV
Tuluyan ng tumulo yung luha ko ng mawala sa paningin ko si Maxwell. Naglakad ako palapit sa pinto kung san sya pumasok.
Napaluhod ako...ang sakit. Ang sakit sakit na iwan ka ng taong mahal na mahal mo...
"Tama na Sam..." tinulungan akong makatayo ni Gabby at pinaupo sa gilid.
"Ang sakit sakit dito Gab...mahal na mahal ko sya..." tinuro ko yung puso ko. Niyakap nya ako ng mahigpit saka marahang hinaplos yung likod ko.
"I'll take you home..." sabi nya. Lumapit sya kay Jamie bago nagpasalamat.
Tahimik lang akong umiiyak habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ni Gabby. Inaalala ko yung panahong nalaman ko yung sakit ni Maxwell.
Flashback
Maaga kaming pinalabas ni Dra. kaya nakarating agad ako dito sa bahay. Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa grocery, bumili ako ng Snapple, paborito to ni Maxwell eh.
Pagbaba ko ng taxi, may napansin akong nakaparadang kotse sa tapat ng gate.
May bisita yata sya?
Dahan dahan ako pumasok sa bahay ngunit walang tao, baka nasa taas, nilapag ko yung bag ko sa sofa saka umakyat.
Hindi kaya may babae syang dinadala dito? Makikita nya! Kakalbuhin ko silang dalawa ng babae nya!
Nakita kong bukas yung ilaw sa terrace sa tapat ng room ni Maxwell, pumasok ako sa room ko para lumapit sa pinto papunta sa terrace.
"Gusto ko syempre! Pero engaged nako Maxwell, hindi ko kayang saktan si Charlotte unless may napakalalim na reason para magback out ako." napataas yung kilay ko, kilala ko yung boses na yun. So, si Gabby pala yung bisita niya.
Hindi naman soundproof tong bintana at pintuan sa kwarto ko kaya kahit yung huni ng kuliglig sa labas madidinig mo.
Hindi ko narinig na nagsalita si Maxwell.
Magpapalit na sana ako ng tshirt ng magsalita ulit si Gabby.
"Maxwell...may nasabi pala sakin si Dad." sabi nya.
"What was it?" tanong naman ni Maxwell.
"Stage 3, Non-Hodgkin Lymphoma..." napakunot yung noo ko kase hindi ko alam yung sinasabi nya, Stage 3? Hindi kaya nagdownload na naman ng bagong game tong Maxwell na to?
Dumikit pako lalo sa pinto para mapakinggan ng maigi yung usapan nila. Hawak hawak ko yung bote ng Snapple.
"Why Maxwell?" boses ulit ni Gabby.
"I-I d-dont k-know..." garalgal yung boses ni Maxwell. Bakit ganun?
"The day that Dad told me na may cancer ka, nagpasya akong sumunod sayo dito. Medyo natagalan nga lang dahil inasikaso ko muna yung mga papers ko. I'm sorry Maxwell...pero andito ako, hindi kita iiwan hanggang sa huling hininga mo." nanlaki yung mata ko sa narinig!
May cancer si Maxwell?!
"I know.. and I will be grateful hanggang sa mawala ako. Thank you bestfriend." mawawala si Maxwell?!
Mawawala? as in mamamatay?
Mamamatay si Maxwell...
Narinig kong may pinaguusapan pa sila pero parang hindi na napaprocess ng utak ko kung ano yun..
BINABASA MO ANG
Loving Maxwell - GxG Story
RomanceMaxwell Herrera, a drop dead gorgeous meets Samantha del Rosario, ang anak ng labandera na si Aling Meling at babaluktot sa straight as a pasta na si Maxwell. How far their love for each other can go, and who is willing to sacrifice one's love for...