Chapter 37

7.6K 156 14
                                    

Maxwell's POV

"Alex Vause or Stella Carlin?" tanong ko sa tatlo habang nanonood kami ng OITNB.

"Alex for me. Ang hot kase ng personality nya masyadong reserved." sabi ni Chase.

"I second that!" sabi ni Maxine na tinaas pa yung kamay habang yung isang kamay naman ay abala sa pagkuha ng sliced apple.

"For me Stella, unfair kase syempre hindi masyadong na-exposed yung personality nya saka ilang beses lang syang pinakita eh." sabi naman ni Dani.

"Edi palitan mo si direk! hahaha!"

Yung pagtatanong ko mukhang mauuwi pa yata sa sabunutan.

"Samahan nyo ko, puntahan ko si Samantha sa clinic." sabi ko cutting their debate.

"Ngayon na?" tanong ni Chase.

I glanced at my watch, 11:15PM palang naman.

"Oo, gusto ko na talaga syang kausapin para matapos na yung pagiwas nya sakin." sabi ko.

"Okay let's go!" si Dani.

...

"Ayun na sya!" sabi ni Chase habang tinuturo ang papalabas sa clinic na si Sam.

Nandito kami ngayong apat sa loob ng kotse ko, halos 20 minutes din kaming naghintay sa paglabas nya.

"Dyan lang kayo." sabi ko saka lumabas sa sasakyan at nagsimulang maglakad.

I parked the car few meters away from the clinic kaya kailangan ko pang maglakad papunta sa kinatatayuan ni Samantha na tila nagaabang ng masasakyan.

Kinakabahan ako pero nilakasan ko parin yung loob ko, tumayo ako sa tabi nya.

Ang kaso mukhang hindi ako napansin dahil hindi man lang ako nilingon, huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Pwede ba tayong mag-usap?" lakas loob kong sabi. Pero hindi sya nagsalita. Alam ko naman na narinig nya yung sinabi ko pero wala, hindi parin ako pinansin.

Mabilis nyang pinara yung parating na jeep at akmang sasakay.

Shit! Gumaganti ka Samantha ah!

Pero hindi dapat ako magpatalo sa inis na nararamdaman ko, hindi ko sya masisisi kung nakakaramdam sya ng galit sakin ngayon dahil sa pagiwas ko sa kanya, kaya kinalma ko parin yung sarili ko saka ko sya hinawakan sa braso para pigilin sa pagpasok sa loob ng jeep. Pwede naman namin syang ihatid eh.

"Bitawan mo ko, wala akong panahon sayo." parang may laser yung mata nya.

I know that even from before,Samantha...

"Kahit sandali lang, please.." sabi ko. Ang sama ng tingin sakin pero hindi ko parin binitawan yung braso nya.

"Miss, sasakay ho ba kayo?" sabi ng driver.

Marahas na binawi nya yung braso nya saka mabilis na sumakay sa loob ng jeep. Si manong naman agad na pinaharurot yun kaya hindi man lang ako nakaporma!

Kainis!

Naiwan tuloy akong nakatanaw sa papalayong sasakyan.

Nang mawala na ito sa paningin ko ay naglakad nako pabalik sa kotse.

"Nakausap mo ba?" tanong agad sakin ni Dani habang binababa yung window ng sasakyan, umiling ako.

"Ayyy kawawang bata! Ikaw kase kasalanan mo, kaya ayan! You sow what you reap!" sabi naman ni Chase.

Hindi ko na sila pinansin dahil naiinis talaga ako at wala akong lakas para makipag argue sa kanila.

Umalis na kami at umuwi nalang sa apartment.

Loving Maxwell - GxG StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon