Chapter 19

8.3K 236 19
                                    

Samantha's POV

"Maxwell!" napatingin ako sa babaeng papalapit samin, particularly kay Maxwell.

Matangkad lang ng konti si Maxwell dito, maputi at sexy. At..napakaganda.

Napataas ang kilay ko ng biglang yumakap at humalik ito sa pisngi ni Max. Clingy lang girl? Napatingin sakin si Maxwell na parang humihingi ng dispensa. Inirapan ko lang ito. Bumalik ako sa likod ng kotse para kunin yung bag ko.

"Ahh guys, this is Alexa. Anak ni Mang Tolits na tumulong sakin nung mastranded ako. Alexa, these are Maxine my sister, Chase, Dani, Stephanie and Samantha, mga kaibigan ko." turo samin isa isa ni Maxwell.

"Hello sa inyo guys." bati nya samin ng nakangiti, at isa isa kaming bineso.

"Ay! Maxwell! nandyan na pala kayo. Halikayong pumasok sa loob mainit dyan sa labas." sigaw samin ng isang medyo may kaedarang lalaki mula sa pinto. Eto na siguro si Mang Tolits.

"Tara sa loob guys, please feel at home kayo ha." yaya samin ni Alexa. Sabay sabay naman kaming sumunod sa knilang dalawa ni Maxwell na nauuna.

Siniko ako ni Steph, kaya napatingin ako sa kanya habang nginunguso si Alexa at Maxwell na nakatalikod. Napairap lang ako. Kakainis na Max na to, ang landi lang!

"Sam, tignan mo." si Maxine naman, habang tinuturo yung pagkakakapit ni Alexa sa braso ni Maxwell.

"Hayaan mo yang ate mong malandi!" naiinis na talaga ako hmp!

"Oo alam ko!" agad kong sabi nung lumapit sakin si Dani at akmang magsasalita, napalakas pa yung pagkakasabi ko kaya lahat sila napatingin sakin, pati si Maxwell na napahinto pa.

"Luh!? Ang sungit mo! kukunin ko lang yung bag mo, ako na magbubuhat!" sabi ni Dani sabay kuha ng bag ko at nauna na lumakad. Napahiya tuloy ako kase akala ko aasarin nya rin ako eh, kanina pa ko badtrip.

"Girl, mas maganda ka dun ng 40pcs na paligo, kaya smile kana para walang laban sayo yung Alexa na yun." si Chase naman, binitawan muna yung bitbit na gitara bago binanat yung pisngi ko para mapasmile. Tumango naman ako. Grabe ganito na ba ako kaobvious?

Pagkapasok namin sa bahay nila Alexa ay pinakilala kami isa isa ni Maxwell kay Mang Tolits.

Nakaupo kaming dalawa ni Max dito sa sofa habang hinihintay yung inumin na hinahanda ni Alexa, sumunod si Chase at Maxine para tumulong sa kanya.

Si Dani naman at Steph ay nagpaalam na maguusap sa likod bahay. Habang si Mang Tolits ay nagpaalam na itutuloy yung iniihaw sa gilid ng bahay nila.

"Uyyy baby, bakit nakasimangot ka naman dyan?" sinundot pa yung tagiliran ko.

"Ewan ko sayo! Dun ka maglandi kay Alexa, naaalibadbaran ako sa mukha mo!" sabi ko, panay ang urong ko ng upo para hndi kami magdikit, pero sya panay naman ang hila nya sa bewang ko para mapalapit sa kanya.

"I smell jealousy..." tukso nya sakin habang nakayakap na sa bewang ko.

"Kung eto kaya pa-smell ko sayo?!" sabi ko sa kanya habang nakataas yung kamao ko.

"Ayaw ko nyan, gusto ko to." napatingin ako sa nginunguso nya, yung cleavage ko! Umandar na naman pagkamahalay ng Maxwell na to.

"Guys palamig muna kayo oh." si Alexa, habang bitbit yung mga juice at sandwich kasunod si Maxine na may bitbit ding tray. Kumalas ng yakap sakin si Maxwell at nginitian si Alexa.

Matapos ilapag sa table na katapat namin ay umupo sya sa tabi ni Maxwell, dibale napapagitnaan namin sya ngayon. Si Maxine ay sa kabilang sofa na katapat din namin naupo.

Loving Maxwell - GxG StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon