Chapter 21

8.4K 190 9
                                    

Sam's POV

It's been a month now mula nung umpisa akong niligawan ni Maxwell. Araw araw kung ano ano binibigay nya sakin, may flowers, chocolates, stuffed toys at kung ano pa. Madalas din sya dito sa bahay, nandun yung sya ang maghuhugas ng mga plato, tutulungan akong maglaba, magluto, pati pagwawalis sa loob at labas hindi nya pinaligtas. 

Katulad nalang ngayon, abala sya sa pag aagiw ng kisame namin! Jusko! Ang sabi ko nga sa kanya, manliligaw ang gusto ko hindi kasambahay.

"Max! bumaba kana nga dyan, ok na oh wala nakong makitang dumi!" sigaw ko sa kanya habang bitbit ko tong juice.

"Whew! ayan sigurado hndi na kayo magkakaron ng agiw dahil lahat ng gagamba pinatay ko na." nagpunas sya ng pawis bago kinuha yung baso na hawak ko.

Napatirik yung mata ko, kaya pala kanina panay ang pukpok nya gamit yung tsinelas ko. Hindi ko alam na pati yung mga gagamba pinagdiskitahan.

"Alam mo, parang nagsisisi akong sinabi ko sayong ligawan moko." sabi ko sakanya pagkaupo namin sa sofa.

"Bakit naman? Ayaw mo ba ng nga ginagawa ko?"salubong ang kilay nya ng magtanong.

"Eh tignan mo naman kase yang mga ginagawa mo, baka isipin nila inaalila ka namin dito." sa totoo lang natutuwa ako sa mga ginagawa nya, marami na syang alam sa gawaing bahay.

"Sus hayaan mo sila! Gusto ko yung ginagawa ko na pinagsisilbihan ko kayo nila inay. Way ko din to para magpa goodshot sa kanya noh dahil sabi ni Dad hindi lang ikaw ang dapat kong pagsilbihan kundi buong pamilya mo." mahabang sabi nya.

Nakwento nya na sakin nung time na nagsabi sya sa parents nya about sa sexual orientation nya, like Maxine, wala naman naging problema yun sa kanila. Masaya ako para sa kanya.

"Nasabi mo na ba sa kanila kung sino yung nililigawan mo?" tanong ko.

"Nope, sasabihin ko yun sympre pag sinagot mo nako saka para diretso honeymoon nadin tyo after nilang bigyan tayo ng blessing." itinaas baba nya pa yung kilay tapos kumindat.

"Ahhh honeymoon...eh kung sakalin kaya kita?" sabi ko.

"Kiss mo nalang ako dali, para naman mawala yung pagod ko." napansin ko mula nung nagkaaminan na kami madalas na sya magdemand sakin ng kiss.

"Tse! Ayoko nga!" sabi ko.

"Ay ang damot, sige ka..baka mamiss mo tong lips ko." sagot naman nya na natatawa.

After naming maglunch kasama sina inay at Steph, nagpaalam nadin agad si Maxwell na uuwi.

.....

Kinabukasan, maaga akong sinundo ni Maxwell para pumasok sa school. Napansin kong tahimik sya at medyo matamlay.

"Maxwell ok ka lang ba?" tanong ko sakanya habang nagmamaneho sya at tutok sa daan ang tingin.

Tumingin sya sakin at ngumiti bago tumango.

Hinawakan nya yung kamay ko ng mahigpit bago dinala sa mga labi nya at hinalikan. Para namang matutunaw yung puso ko sa gesture nyang yun kaya napangiti ako sa kanya.

Panay parin ang lingon ko sa kanya kase nakakapanibago yung pananahimik nya, mula kaninang sunduin nya ko ay 'good morning' lang yung narinig kong sinabi nya, hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school wala syang kibo pero pag nagkakatinginan kami ay ngumingiti sya.

Binuksan ko na yung pinto ng kotse at bumaba.

"Sam! Buti naman at dumating ka na, kanina pa kita hinahanap eh." si Michelle, kagaya ko ding scholar pero iba ang course nya. Lumapit ako sa kanya dahil nasa exit sya ng parking huminto.

Loving Maxwell - GxG StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon