Chapter 30

6.5K 189 93
                                    

Maxwell's POV


Today is the day.

Yung araw ng monthsary nila Sam at Gabby.

Pauwi na ko, kakagaling ko lang naglakad lakad sa park, saka bumili nadin ako ng bouquet of stargazers.

Balak kong ibigay to kay Sam saka batiin nadin sya sa monthsary nila. Binasa yung ko yung card.

Dear Samantha,

Happy Monthsary to you and Gabby. I wish you more love and happiness ahead.

Love,

Maxwell

Napangiti ako ng mapait. Wooh naiiyak na naman ako! Pero kaya ko to! Ito na yung huling araw na masasaktan ako dahil kay Samantha, kaya konting tiis pa.

Pinunasan ko yung luhang nagbabadyang pumatak at hinawakan ko yung flowers saka bumaba na ng sasakyan.

Pumasok ako sa bahay pero wala siya dito sa baba. Ah! baka natutulog pa. Tumingin ako sa relo ko, 10AM palang naman.

Nilapag ko yung flowers sa taas ng ref. Ipagluluto ko muna si Sam ng breakfast.

I decided to cook some sunny side up eggs ska sausage, sinamahan ko narin ng toast saka mainit na kape. Nilagay ko sa tray ung pagkain pati narin yung bouquet at umakyat na.

Pagbukas ko sa pinto ng kwarto nya, mahimbing parin syang natutulog habang nakatalukbong ng kumot. Kaya binaba ko yung tray sa side table.

Kinuha ko yung alarm nya saka ko sinet ng 5mins bago lumabas ng kwarto nya.

Pumunta ako sa likod ng bahay dala dala ko tong maliit na plastic bag ska pambukal ng lupa. Balak kong magtanggal ng damo dito sa likod, pangit na kase tignan dahil madami na sila.

Abala akong nagbubunot ng may maramdaman akong yumakap sa likod ko.

Amoy palang alam na alam ko na kung sino kaya napangiti ako.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ko sa kanya. Hindi sya kumibo pero alam kong tumango tango sya dahil nakikita ko yung anino namin na gawa ng sinag ng araw.

Idinikit nya yung pisngi nya sa likod ko at niyakap lalo ako ng mahigpit. Ako naman nagpatuloy sa pagbubunot ng damo. Nararamdaman kong umiiyak sya dahil nababasa yung bandang likod ng damit ko. Hindi pa din ako kumibo, hinayaan ko lang syang nakayakap sakin.

Nung maubos ko na yung damo sa tapat ko at kailangan kong gumalaw para lumipat sa ibang pwesto, nagsalita ako.

"Tumayo kana dyan, ang bigat mo!" sabi ko.

Sumunod naman sya saka ako tumayo at humarap sa kanya, ngunit nagulat ako ng salubungin nya ako ng halik.

Smack lang yun pero naghatid sakin ng libo libong emosyon. Para bang nung maglapat yung mga labi namin ay nirewind lahat ng mga nangyari samin. 

Mula ng makita ko sya na nakatayo sa tapat ng washing machine at nagtama yung paningin namin, yung first kiss sa washroom, nung sinampal nya ako dahil sinabihan ko syang namamangka sa dalawang tao, basta lahat...at yung pinakahuling nagflashback ay nung hinalikan nya sa lips si Gabby kaharap ako.

"Happy monthsary sa inyo." buong puso kong bati sa kanya.

"Thank you..." sabi nya sa namamaos na boses bago pinunasan yung mga luha sa pisngi.

"Naubos mo na yung hinanda ko sayo?" tanong ko. Umiling naman sya.

"Hindi ko kakainin yun ng ako lang mag-isa. Samahan mo ko.." sabi nya ng nakapout kaya napangiti ako.

Loving Maxwell - GxG StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon