Maxwell's POV
Ring.. ring.. ring
Hmmm? Napatingin ako sa screen ng cellphone ko.
Gabby calling...
Nagddrive ako pauwi ng apartment, kakahatid ko lang kay Sam sa work nya.
"Hello Gab!" sagot ko.
"Hello Maxwell! Ano yung text mo?" tanong agad nya.
Tinext ko kase sya at pinapapunta ko sa apartment namin dahil gusto ko lang sya makasama.
"Ahh yeah about that, can you come over sa apartment tonight?"
"Yeah sure, pero baka mga 11pm nako makapunta dun kase sinamahan ko pa si Dad may pinuntahan lang kami." sabi nya agad.
"Sige I'll wait for you there, send ko nalang yung location ok." sabi ko.
"Okay, see you soon Maxwell" then she ended the call.
Tinext ko agad yung location sa kanya. Tapos nagtext din ako kay sam, sinabi ko nalang na magtaxi muna sya pauwi dahil ipapa check up ko sa garage yung car. Nagreply naman sya ng 'Okay.'
Kinagabihan, nakarinig ako ng katok sa gate namin na bakal. Sinilip ko mula sa bintana, as I expected, si Gabby.
"Oh Gab! Napaaga ka ata? Pasok ka!" sabi ko matapos magbeso sa kanya.Tumingin ako sa relo, 9:30 palang.
"Wow, ang cute naman ng apartment nyo!" namamanghang sambit nya habang ginagala ang paningin sa kabuuan ng apartment.
"Upo ka muna. Anything you want? Juice, coffee or water?" tanong ko pagkaupo nya.
"Juice nalang, then later on pwede bang beer?" napangiti ako sa knya, as I expected again. Syempre pinaghandaan ko tong pagkikita namin kaya prepared ako.
"Sure!" mabilis akong pumunta sa kusina at kumuha ng juice para saming dalawa.
Nagkwentuhan muna kami about random things, yung mga nangyari sa amin mula ng magmigrate sila sa Ireland at kung ano ano pa. Nalaman ko din na engage na pala sya at nandito sa Pinas ang fiance nya. Tsk! Mukhang sasablay pako.
"Alam mo Maxwell, kung hind lang ako engaged baka liligawan ko yang si Samantha." napatingin ako sa kanya. Hindi sya halatang nagbibiro.
"Do you like her?" tanong ko.
"Can I answer that with honesty?" balik tanong nya sakin. Tumango ako.
"Yes, I like her." nakahinga ako ng maluwag. Pumapabor yung pagkakataon.
Knowing Gabby for long time, hindi malabong magustuhan din sya ni Sam pag nagkataon. Kilala ko si Gabby, shes always taking things seriously kahit pa pagdating sa pagibig. Kaya nga nakakdalawang girlfriend palang sya including yung fiance nya ngayon. alam kong papahalagahan nya si Sam dahil hindi ordinaryo si Gabby.
Shes my perfect option para kay Sam...para sa Samantha ko.
"Tara dun tayo sa terrace ng room ko." yaya ko sa kanya.
Umakyat kami sa room ko at umupo sa terrace. Nilabas ko yung bourbon whiskey along with some ice and glasses para saming dalawa.
"Ay grabe, mukhang mahaba haba ang magiging gabi natin ah!" sya na ang nagbukas ng whiskey at nagsalin sa mga baso namin.
"Pwede ka dito matulog sa room ko." sabi ko. Nagumpisa akong lagukin ang laman ng baso ko.
"Okay.." tumingin sya sakin bago sya naman ang uminom sa baso nya.
BINABASA MO ANG
Loving Maxwell - GxG Story
Roman d'amourMaxwell Herrera, a drop dead gorgeous meets Samantha del Rosario, ang anak ng labandera na si Aling Meling at babaluktot sa straight as a pasta na si Maxwell. How far their love for each other can go, and who is willing to sacrifice one's love for...