Maxwell's POV
Naglalakad ako ngayon papunta sa kotse ko ng magvibrate yung phone ko.
"Hello?" sagot ko ng makitang tumatawag si Gabby.
"Hello Max! Kasama mo ba ngayon sa Sam?" tanong nya.
"Umalis na sya, I thought magkikita kayo?" napalingon ako sa passenger seat at nakita yung cellphone ni Sam.
"Yun na nga eh, kanina ko pa kase tinatawagan yung phone nya pero out of service. We supposed to meet sa restaurant ngayon pero hindi ako makakapunta kase may emergency kami ni Dad." sabi nito.
"San restaurant ba dapat kayo magkikita?" sinabi nya sakin yung location, malapit lang pala.
"Oh sige ako ng bahala." sabi ko.
"Thanks Maxwell! Pakisabi pasensya na at babawi talaga ako sa susunod."
"Walang problema, sige pupuntahan ko na sya." sabay end ng call.
4:45 palang naman, baka on the way palang si Sam sa tagpuan nila.
Inistart ko yung sasakyan ko, pero ayaw umandar. Kanina pa kase umuulan, mukhang nilamig yata yung makina kaya ayaw magstart. Tutal malapit lang naman dito, lalakarin ko nalang, mga 20 minutes na lakad mula dito sa school.
Kinuha ko yung jacket ko na may hood, wala naman akong payong eh.
Nag umpisa nakong maglakad, buti nalang unti unti na ding tumitila yung ulan pero ang lamig ng hangin, kaya sinuot ko yung hood sa ulo ko.
Patawid na sana ako sa pedestrian nang mahagip ng mata ko yung pamilyar na pigura na naglalakad sa kabilang side ng kalsada. Si Sam! Buti nalang may dala syang payong...
Imbes na tumawid, dumeretso ako ng lakad.
Halos magkasabay na kaming naglalakad, pero sa magkabilang gilid nga lang ng kalsada. Minasdan ko sya habang binabagalan yung lakad ko... nakangiti sya habang hawak yung maliit nyang payong at sinusway sway.
She seems so happy thinking that shes going to meet Gabby...
Aaminin ko, sobra akong nasasaktan sa pagiging malapit nila. Pero ito yung gusto ko, kahit parang pinapatay ako sa sobrang sakit lalo na kapag nakikita kong masaya sya kapag kasama o kausap sa phone si Gabby.
Huminto ako ng lakad ng makita syang pumasok sa Denny's, tumayo ako dito sa gilid ng puno at sumandal. Mula dito sa kinatatayuan ko, kitang kitang ko sya ng maupo sa gilid na part ng restaurant at nilapitan ng waiter.
Flashback
Pagtapos namin kumain naupo kami dito sa sofa, patingin tingin ako kay Sam habang nagtetext. Panay ang ngiti nya, at alam ko kung sino yung dahilan ng mga yun. Bigla syang napatingin sakin kaya mabilis kong ibinaling yung paningin ko sa tv. Nang mapasulyap ulit ako sa kanya, abala na ulit sya sa cellphone nya.
Hindi naman ako bato para hindi masaktan sa nakikita kong pagbabago ni Sam, pero ito yung gusto ko di ba? Kaya dapat wala akong karapatang masaktan.
Tumayo ako, kaylangan kong lumayo kay Sam ng konti, kundi baka atakihin nako sa puso sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"Maghihilamos lang ako." sabi ko, tumango naman sya pero nakatutok parin yung mata sa phone nya.
Pagtalikod na pagtalikod ko, mabilis na nag-unahang pumatak yung mga luha ko.
Mabilis akong pumasok sa banyo at binuksan yung shower pero hindi ako tumapat sa buhos ng tubig.

BINABASA MO ANG
Loving Maxwell - GxG Story
Любовные романыMaxwell Herrera, a drop dead gorgeous meets Samantha del Rosario, ang anak ng labandera na si Aling Meling at babaluktot sa straight as a pasta na si Maxwell. How far their love for each other can go, and who is willing to sacrifice one's love for...