Chapter 6

11.9K 286 36
                                    

Sam's POV

Nang makaalis si Max ay nilock ko na ang pinto at pinatay ang ilaw bago umakyat at pumasok sa kwarto ko.

Naiisip ko padin yung kiss, naiinis ako na ewan, paano ba naman hindi naman sya nagpaliwanag kung bakit nya ginawa yun. Aminin ko man o hndi may naramdaman akong kakaiba ng mangyari yun, alam nyo yung bigla akong naconfused pero hndi ko mapagtanto kung ano yung nagpapagulo sa isip ko?

Flashback
Pababa nako sa hagdan ng makita kong himbing na himbing si Max na nakahiga sa sofa namin. Nakakatawa yung itsura nya kase hindi sya kasya dun at sa laking tao nya eh malamang 3/4 lang ng katawan nya ang nagkasya.

Lumuhod ako at tinitigan ang mukha nya. Napaka payapa nito at napakaganda, napatingin ako sa makinis na mukha nya, ang haba ng pilik mata, tapos yung kilay nya ang ganda ng shape na medyo makapal, ang tangos ng ilong at ang jawline nya na almost perfect.Napababa ang tingin ko sa labi nyang natural na mapula. Biglang bumalik yung kakaibang feeling ko when she kissed me. Gumalaw si Max ng kaunti at maya maya pa ay nagsalita.

"Samantha..." sabi nito sabay pout ng lips. Napalunok ako ng laway, biglang nag-init ang pisngi ko. Ako ba yung nasa panaginip nya? Hindi ko alam pero parang may nagudyok sakin na hawakan ang pisngi nya. Nakapout parin ang lips nya, naisip ko since nakoconfuse ako sa feeling ko nung hinalikan nya ako, pagkakataon ko na to para malaman kung ano yun.

Dahan dahan akong yumuko at inilapat ang lips ko sa nakahaing labi ni Maxwell at napapikit. And there, naramdaman ko ang ilang libong boltahe na dumaloy sa katawan ko hanggang talampakan. Parang dinala ako nito sa isang lugar na puno ng nagkikislapang bituin at makulay na liwanag, tanging kami lang ni Max ang naroon...is this possible na maramdaman ko to sa kapwa ko babae?

Napadilat ako ng bahagyang gumalaw ang kanang kamay ni Max. Agad akong tumayo at lumayo, kinakabahan ako baka mahuli nya akong hinahalikan sya.

End of flashback.

Haist! Ano ba kasing naisip mo Max bakit mo ko hinalikan?! Imbes na yung first kiss ko lang ang inaalala ko nadagdagan pa tuloy! Kainis!

Pumikit na lang ako at pinilit makatulog, kaysa mag-isip ako ng kung ano ano! Baka bukas mawala na yung epekto ng halik nya. Sana...

_____________

Kinabukasan, tanghali na ako nagising. 11am na pala. Naghilamos muna ako bago bumaba. Naabutan kong nanonood si Steph at nakaupo sa sofa. Dumeretso ako sa kusina at nakita ko si inay na naghihimay ng gulay para sa pananghalian namin.

"Oh anak, gising kna pala. Magtimpla ka ng kape mo at meron pang natirang pandesal dyan." sabi ni inay pagtapos ay tumayo para haluin ang niluluto.

"Nay diba may labada tayo ngayon kina Aling Ising?" nagtataka ako kung bakit nandito sya at hindi man lang ako ginising para tulungan syang maglaba. Kumuha ako ng mug at nagtimpla ng kape bago umupo sa mesa.

"Nagpunta ako dun kanina anak, kaso wala pala sina Ising don at umuwi daw ng Davao. Dun daw sila magpapasko at bagong taon. Sa a-tres na ang balik dito." paliwanag ni inay.

"Ahh kaya pala, bisperas na nga pala ngayon. Naglista na ba si Steph ng mga bibilhin namin mamaya sa palengke?" napagusapan kase namin yun nung isang araw. Ang alam ni inay ay maghahanda lang kami ng konti. Pero kami ni Steph ay may planong sorpresahin si inay mamayang gabi.

"Oo nandon na sa may ibabaw ng lamesita yung listahan." sagot ng nanay ko. Tumayo ako dala ang kape at pinuntahan si Steph.

"Stephanie, naayos mo na ba yung sorpresa natin kay inay?" bulong ko kay Steph pagkaupo ko sa sofa sa tabi nya.

Loving Maxwell - GxG StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon