Maxwell's POV
Kasama ko ngayon si Charlotte, yung two times a week naming dapat pagkikita ay napadalas. Sa totoo lang nageenjoy ako kapag kasama ko sya, I wonder bakit hindi man lang nainlove sa kanya si Gabby.
Speaking of her, ayun... madalas silang magkasama ni Sam.Hindi na kami masyadong naguusap at ilang beses ko ding nadadatnan si Gabby sa bahay. Kaya imbes na magkulong at masaktan lalo umaalis nalang ako, pag weekend naman lumalabas ako para maiwasan ko sya, kung hindi ako tatambay kina Chase, dun ako kina Dani.
Meron ding time na dun ako mismo kina inay Meling natutulog. Kinukwento ko sa kanya lahat ng nangyayari samin ni Sam. Naipakilala nadin pala nya si Gabby bilang girlfriend nya, wala naman magawa si inay dahil mabait naman si Gabby at alagang alaga si Sam.
Nandito kami ngayon sa kwarto ni Charlotte, first time kong makapasok dito kase lagi lang ako nagsstay sa sala nila o di kaya sa kwarto ng mama nya para makipagkwentuhan.
"Ikaw ba to?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa malaking frame na nakasabit sa taas ng headboard ng kama nya.
Isa iyong drawing na oil pastel ang ginamit. Monotone ang pagkakagawa kaya ang ganda ng kinalabasan parang full of emotions pa yung stolen pose nya.
"Yup. Regalo sakin yan ng ate ko nung 18th birthday ko." sumampa sya sa kama at tinitigan ito.
Umupo naman ako at ilang sandali pa ay umupo din sya sa tabi ko.
"Maxwell..." tawag nya sakin.
"Hmmm?" napatingin ako sa kanya.
"Hindi ka ba natatakot?" bakas yung pag-alala sa mukha nya.
"Natatakot saan?" takang tanong ko.
"Dying...paikli ng paikli yung time mo. You only have less than 6months."
"Yung totoo?" tanong ko. Tumango naman sya, madiin akong pumikit saka dumilat at tumitig sa mga mata nya bago nagsalita.
"Natatakot."sabi ko. Hindi sya kumibo, hinaplos nya yung pisngi ko gamit yung dalawang palad nya.
"Natatakot ako kase pag namatay ako at nasa kabaong na, ako nalang mag-isa. I feel so lonely kapag naiisip ko yun...Iniisip ko din kung sa langit o sa impyerno ba ako mapupunta." sabi ko sabay tumawa ng mapakla. Nakatitig padin sya sakin.
"Im sure sa langit ka mapupunta..dahil kagaya ng mukha mo, ganyan din kaganda yung kalooban mo." sabi nya.
"Naaawa ka ba sakin?" tanong ko. Umiling sya.
"Lahat naman tayo mamamatay, mauuna ka nga lang sakin."sabi nya. May point sya.
"Pero alam mo, kapag nareencarnate ako gusto kong makilala ka ulit." napakunot yung noo ko sa sinabi nya.
"Bakit naman?"
"Because youre one of the best person na nakilala ko." sabi nya, natouch naman ako sa kanya.
"Thank you, I would like to meet you too sa pangalawang buhay ko Charlotte."sabi ko.
"Pwede bang humingi ng favor?" sabi nya.
"Ano yun?"
"Please die beside me..." napatingin ako sa kanya. Dahan dahan nyang inilapit ang labi nya sa labi ko.
Napapikit ako ng maglapat ang mga labi namin. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga halik na yun pero hindi ko sya sinaway.
It is a heart warming kiss, marahan at banayad, para bang lahat ng takot at pagalala na nararamdaman ko ay pinapawi ng halik nya.
BINABASA MO ANG
Loving Maxwell - GxG Story
Roman d'amourMaxwell Herrera, a drop dead gorgeous meets Samantha del Rosario, ang anak ng labandera na si Aling Meling at babaluktot sa straight as a pasta na si Maxwell. How far their love for each other can go, and who is willing to sacrifice one's love for...