Maxwell's POV
"Dun tayo sa likod bahay Maxwell." yaya sakin ni Mang Tolits matapos makapag agahan.
Sumunod naman ako sa kanya. Naiwan si Alexa sa loob at nagliligpit ng pinagkainan namin. Nag offer akong tulungan sya pero ang tigas ng tanggi, bisita daw ako. Kaya wala nakong nagawa.
Dito na kami sa likod ng kusina dumaan dahil may pintuan naman.
Pagdating sa likod pumasok kami sa parang isang malaking garahe, makikita dito yung mga ibat ibang makina na ginagamit siguro sa bukid.
"Upo ka muna dyan kukunin ko lang yung galon." sabi nya sakin bago ako iniwan.
Gumala ang tingin ko sa paligid, meron sila ditong maliit na poso at sa gilid nun ay may parang tolda na nakakapit sa mga manipis na posteng bakal.
Nakita ko na doon nakaparada ang isang itim na Toyota 4x4 Hilux, ang astig ng dating! Kay Mang tolits siguro to. Tapos sa katabi nun isang mini cooper na pearl white color, ang cute! Tapos mula dito sa likod nila, tanaw mo yung malawak na palayan. Ang presko tuloy ng simoy ng hangin, parang ang sarap tumira sa ganitong lugar.
"Ito na Maxwell, sigurado mafu-full tank nito yung sasakyan mo." sabi ni Mang Tolits habang bitbit yung galon.
"Saglit lang kunin ko yung susi ng sasakyan para maihatid kita dun." tumalikod agad ito paglapag ng galon sa tabi ko.
Sya namang paglabas ni Alexa at umupo sa tabi ko.
"Aalis na ba kayo?" sabi nito na halata yung lungkot sa mukha. Tumango naman ako at tumingin sa kanya.
"Kunin ko number mo, ok lang ba?"si Alexa.
"Sure." at sinabi yung number ko. Sinave naman nya sa phone nya.
"Pag di ka busy balik ka ulit dito ha?" sabi nya after masave yung number ko.
"Oo naman, ang ganda kaya dito sa inyo kahit medyo malayo." sabi ko saka tumanaw sa palayan.
"Promise?" ang kulit.
"Yes, promise." sabi ko, halatang tuwang tuwa naman sya.
"Halika na Maxwell, para hindi ka tanghaliin sa paguwi at baka hinahanap ka na ng mga magulang mo." sabi ni mang tolits then dumeretso na sa truck.
"Pano Alexa, mauuna na ako ha. Salamat pala sa breakfast." sabi ko ng nakangiti. Ngumiti din sya at tumango.
Nagbbyahe na kami papunta sa lugar kung san yung sasakyan ko.
"Ok na to Maxwell, try mo na start!" sigaw ni Mang tolits pagtapos isalin yung gasolina mula sa galon.
Inistart ko na yung engine, nung una ayaw pero nung pangalawang try ayun umandar nadin.
"Maraming salamat po Mang Tolits, eto po pala yung bayad." sabi ko saknya pagbaba ko sa sasakyan at inaabot yung three thousand bills.
"Naku Maxwell, wag na. Itago mo nalang yan." ang tigas ng tanggi nya.
"Eh nakakahiya naman po baka wala kayong magamit sa patubig. saka para sa abala nadin po, sige na tanggapin nyo na Mang tolits,." pilit kong kinukuha yung kamay nya mula sa likod pero ayaw talaga.
"Ganito nalang, sagot mo nalang yung inuman natin pagpunta mo ulit dito, ok ba yun?" naku nakipag deal pa, pero ok nadin yun saka plano ko pa naman bumalik dito para makapagpasalamat ng maayos sa kanilang mag-ama.
"Oh sige po ok na ok yun. Pano po mauna nako ha. Maraming salamat po talaga. Masaya po ako nakilala ko kayo ni Alexa." niyakap ko sya at tinapik tapik naman nya yung likod ko.
BINABASA MO ANG
Loving Maxwell - GxG Story
RomanceMaxwell Herrera, a drop dead gorgeous meets Samantha del Rosario, ang anak ng labandera na si Aling Meling at babaluktot sa straight as a pasta na si Maxwell. How far their love for each other can go, and who is willing to sacrifice one's love for...