My First Romance

4K 9 0
                                    

From elementary hanggang ngayon na nagtratrabaho na ko, ay hinihintay ko pa rin si Prince Charming. Hay, kelan ba kita mahahanap? Kelan ba kita makikita? Kelan ba kita makikilala?

"HOY MARIE!!!" sigaw ng kaibigan kong si Karla, na winawagayway ang kanyang kamay sa aking muka.

"Huh? Bakit? Andiyan na ba si boss?" sagot ko naman.

"Wala pa! Kaya lang po, nagde-day dream ka na naman diyan. Ano na naman ba yang iniisip mo?" tanong sa kin ng kaibigan kong halatang curious na curious sa akin.

"Wala, may iniisip lang" simpleng sagot ko naman. 'hindi mo na kelangang malaman'

 "Huh? Eh wala naman pala eh. Halika na nga! Baka mamaya biglang dumating pa yung boss natin, lagot tayo nito" biglang hila naman niya sa kamay ko. Hinayaan ko siyang hilahilain niya ko, kahit na masakit na ang kamay ko dahil sa hila niya.

Pagdating namin sa lobby ay biglang napatigil na lang si Karla. "Awff!! KARLA!! Ano ba? Ba't bigla kang napahinto?" Nang tinignan ko si Karla, ay parang hindi ito makapagsalita at parang focus siya sa kanyang tinitignan. Nang tinignan ko naman, ay bigla akong napatanga na rin. Sa may counter ay ang pinaka-gwapong lalaking nakita ko. Matangkad, maganda ang kanyang pangangatawan, black ang buhok, tama lang ang puti ng katawan, at ang kanyang muka, parang isang anghel na bumaba sa lupa. Pati ako ay hindi na rin makagalaw sa kinatatayuan ko. Muka lang kaming tanga ni Karla na andun lang at nakatayo, hanggang sa "Marie? Karla? HOY!!! Nakaharang kayong dalawa sa daan" Isang boses na ginulo ang isipan ko, kung baga sa isang magandang panaginip eh, siya ang walang hiyang nanggising sa kin.

"Alam mo Axel, kung hindi lang kita kaibigan, masisipa talaga kita diyan" Sagot naman ni Karla. Habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa magandang nilalang na asa harapan ko.

"Eh kasi naman po, nakaharang po kayo dito. Pwede naman kayong gumilid ng konti para makadaan rin ang ibang empleyado ng kompanyang to" Sabi naman ni Axel. Alam mo yung tipong naririnig mo ang sinasabi nila pero hindi mo maintindihan dahil na rin ang isip at ang mga mata mo ay nasa isang tao lang? Ganun ang nangyari sa akin.

"Eh ba't kelangan mo kaming itulak? Pwede mo naman kaming tapikin lang at sabihin sa amin na nakaharang kami?!!!" Bulyaw naman nito kay Axel.

"Kasi nga, kanina ko pa kayo tinatawag, hindi niyo naman ako naririnig!" Sigaw ni Axel kay Karla.

Hanggang sa sobrang naiirita na ko dahil na rin sa lalong lumalakas ang kanilang mga boses. "ANO BA!!?? PWEDE NAMAN TAYONG MAG-USAP NG MALUMANAY DIBA? DIBA?" Sigaw ko naman. Nahalata ko na lang na biglang tumahimik ang hallway, at nang tinignan ko ang paligid ko, tama ang hinala ko, nakatingin ang bawat mata sa akin. Kasama na ang mukang anghel na asa counter. 'Napalakas ata ang sigaw ko. Nakakahiya...' At nang lumanding ulit ang mga mata ko sa anghel na ito ay nakangiti siya(?). 'Teka, ba't siya nakangiti sa akin? OMG OMG OMG' Napayuko na lang ako bigla. 'Nakakahiya talaga to'

Hindi ko namamalayan na naglalakad na pala ako papunta sa elevator. Napansin ko na lang nang asa loob na ko ng elevator. 'Thank God! Hay salamat po.' Isip-isip ko. "Hoy Marie, teka, antayin mo ko" sabay sabi ni Karla na halatang hingal na hingal pagpasok ng elevator. "Anong nangyari sa'yo? Grabe ang bilis mong maglakad, parang may humihila sa'yo, ni hindi man lang kita maabutan" Tuloy-tuloy na sabi nito. "Ha? Ah...Eh... Wala...." Sabay yuko ko naman. Sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko, dahil na rin sa okyupado ng utak ko nang mukang anghel na yun. 'Ano ba to? Ba't parang iba ata tong nararamdaman ko. AHHH!! Kalimutan mo siya Marie!! Bura bura bura!!' 

Pero bago pa ulit magsara ang elevator ay biglang may pumasok dito at sabing "sorry". Napatingin naman ako, at God, sana hindi na lang ako tumingin, dahil ang taong nasa harapan ko ay walang iba kundi ang lalaking mukang anghel. 

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon