Eleven: Unexpected Phone calls and Jokes
---
I really tried to sleep but I can't. Hindi ako nakakaramdam ng antok dahil nga deads na si ako. I smiled when I saw them sleeping peacefully.
Pero hindi pa rin tumatahimik yung phone nilang tatlo. Tumatawag pa din yung ibang members nila. They decided to not talk to other Bangtan members dahil mukhang may problema. Kinuha ko naman yung phone ni Seokjin na nasa tabi ng lampshade.
I looked at the caller id. Sasagutin ko ba to? Kanina pa kasi siya tumatawag. Baka naman may emergency. I sighed then press the answer button. "Hello hyung?" sabi ng boses niya. I can sense that his voice itself is tired. "Where are you? Are you with her?"
Napalabi naman ako. Ang rupok ko talaga pagdating sa kanya. "M-mr. K-kim Taehyung." sagot ko sa kabilang linya. Saan ko napulot yung Mr? Susme! Sa sobrang kaba ko ay yun ang nasabi ko. "T-they are here. Natutulog na sila kaya di nila nasagot yung phone ni--"
The other line went silent. Akala ko nga ay binaba na niya yung tawag. "Okay." He said. Alam ko na binaba na niya this time yung tawag. Isang salita lang mula sa kanya pero parang ang sakit. Yun na ata ang pinakamasakit na okay na narinig ko.
Ibinalik ko yung phone sa tabi ng lampshade. Hindi niya man lang pinatapos yung second sentence ko.
Grabe ka Kim Taehyung. Alam ko naman na isa ka sa importanteng tao sa mundo pero sana hindi naman ganito.
Pumasok ako sa kwarto ko. Hinanap ko yung matagal ko nang gustong ibigay sa kanila. I teleported to their dorm. Kita ko na bukas pa ang ilaw ng mga kwarto nila. I sneak into his room. I saw him sleeping while his phone is on his hands.
Ipinatong ko ang maliit na notebook sa may table niya. Walang pangalan na galing sa akin iyon. I used to write prose and poetry. Alam ko din na nagsusulat sila ng sarili nilang musika. Gusto ko lang na makatulong dahil yung mga sinusulat ko din doon ay may mensahe na gustong iparating.
Hindi na ako nagtagal sa kwarto niya o bahay nila. Bumalik na agad ako sa bahay namin ng bestfriend ko. Naupo lamang ako at tinitingnan sila.
How I wish I am alive. Kahit na hindi ko maabot ang Bangtan ay alam ko ang ibig sabihin kung paano mabuhay. Even though I experienced bad days it doesn't mean I will have bad memories ahead.
---
Ginising ko si Trisha dahil magluluto kaming dalawa. Kailangan na namin na maihatid ang Bangtan sa bahay nila. Mukhang may schedule na sila dahil narinig ko lang na may comeback date na sila.
"Morning." bati sa amin ni Seokjin. Kahit na gulo-gulo ang buhok niya ay ang gwapo niya pa din. Kagagaling lang yata niya sa comfort room. He looks damn fine. Siniko nga ako ni Trisha dahil alam ko na mukha akong tanga kanina. "What are you making?"
"Pancakes." Pumiyok pa nga ako kaya napapikit nalang ako. Pati ba naman sa pagsasalita ay pumipiyok ako? "Kumain muna kayo bago umuwi."
He nodded. Tinulungan naman niya kami sa pagluluto. "We have scheduled our comeback." panimula niya.
Nahulog pa nga ni Trisha yung hawak niyang spatula. "Sorry! Excited lang ako." mabilis na sagot niya.
"Congrats!" sabi ko naman sa kanila. "Godbless since magiging busy na naman kayo for the music bank ganern." sabi ko naman sa kanya.
He sighed. "Yeah. You're watching us, right?" tanong niya sa aming dalawa. Naglagay naman siya ng plato sa may table. "We need your support. It's nice to see people cheering for us. And we're definitely happy to see you there." He said.
"Thank you." sabi ko sa kanya. Sakto naman na dumating na sila Namjoon, Miel at Hoseok. "Miel! Morning!" bati ko sa kanya kahit na invisible ako sa paningin niya.
"Goodmorning eonni." Wait, did she just greet me? "I can't hear you but I know that you will greet me. Kabisado na kita ate." Awww, ang cute naman ng repa ko. Umupo naman na kami. They even save a seat for me.
I can be their imaginary friend. "Tulala na naman ang peg mo? Anong iniisip mo?" tanong ni Trisha sa akin.
Nagkibit-balikat lamang ako. "Wala. Kumain na kayo." I said to them.
After nilang kumain ay tinulungan pa nila kami sa paglilinis. They insisted to help us clean. Grabe, sobra na sila sa pagiging ideal!
"Ano to?" tanong ko naman kay Namjoon habang hinihintay namin yung iba. I pointed my lower lip. He looked confused. "Anong part ng katawan ito?"
"Lower lip." sagot naman niya sa akin.
"Hmmm, pwede na. Pero ang sagot ay labi. Lips sa english." sabi ko naman. "Eh ano naman ito?" Tinuro ko naman yung upper lip ko. Hindi ko sa kanya pinapahalikan kung yan ang iniisip niyo. Taray ah!
"Upper lip?" di niya siguradong tanong.
Agad akong umiling. "Nope boy genius." sagot kong mabilis sa kanya. Napatawa siya dahil siguro tinawag ko siyang boy. Eh ano ba ang gusto niya? Man genius? Parang hindi naman bagay.
"What's the right answer?" He asked. Bakit parang nakakadugo silang kausapin? Hmmm!
"First floor." I answered. Tinuro ko ulit ang ibabang labi ko. "Ito ang labi (lobby). Tapos eto yung first floor." hinawakan ko naman yung upper lip ko.
Nagets kaya niya?
I saw him smiled. "So this is the lobby." He pointed his lower lip. "This will be the first floor." He continued while pointing his upper lip. Aba at nagets naman pala niya.
"Yeah. Waley ang joke ko diba?" sabi ko naman.
"It's funny tho." pag-aassure niya sa akin. "Thank you Mika. I hope you can share your jokes to my members. We needed that in times of busy and tight schedules."
Wala naman sa sariling napatango ako. You know, aarte pa ba ako kung mismong siya na ang humihingi ng pabor sa akin?
"You can count on me Namjoon." sabi ko sa kanya. "Alam kong magiging hit ang comeback niyo."
He smiled. "Yeah. Thank you Miks." Aww, ginamit din niya yung nickname na iyon. I love my name.
BINABASA MO ANG
Touch of Twilight || BTS Fanfiction
Fanfiction| completed | maknae line series one: kim taehyung Language: Filipino/ English ©2018