Sixteen: Despidida
"Lola!" sigaw ko sa kanya. Tumakbo ako papunta sa kanya. "Aray naman lola! Bakit niyo ako binatukan?" pag-eemote ko sa harap niya.
Hinila niya ako sa isang tabi at doon kami nag-usap. "Anong ginagawa mo dito? At bakit ka nandito?" tanong naman niya sa akin.
I smiled. "Nagstalk po kay crush." sabi ko naman. Binigyan niya ulit ako ng isang kurot. "Joke lang Lola! Nakakainip kasi kaya dinalaw ko yung mga kaibigan ko. Bakit ngayon lang kita nakita lola?" Gusto ko sana sabihin na dinalaw ko yung future husband ko.
She sighed. "Apo, bakit mo sila dadalawin?" tanong naman niya.
"Si lola, joker. Lola naman! Patay na po si ako, remember?" sabi ko naman sa kanya. "Hindi niyo po ba nabalitaan iyon? Worldwide trending nga po ako lola!" ani ko naman. Shemay, proud ba ako na worldwide trending ako kung deads naman na pala ako?
Hindi naman niya ako kinibo. Binigyan niya ulit ako ng pitik sa may noo. Medyo sadista naman itong si Lola. "Lola, miss na kita." Yinakap ko naman siya. I really miss her. Hindi kasi kami nagkasama ng matagal. "Ikaw po ba ang sundo ko?" tanong ko sa kanya.
I am really happy to see my grandmother again. Wala kasi akong sixth sense or pang sense sa mga kakaibang bagay sa mundo but I do believe in them. Kaya hindi ko siya nakikita o nararamdaman kahit na nandyan lamang siya.
I know, iba-iba ang paniniwala nating lahat. And that's what I believe. May mga bagay sa mundo natin na hindi talaga kayang ipaliwanag.
Napatawa naman siya sa akin. "Miss na din kita apo. Oo, ako ang sundo mo. Ako ang maghahatid sayo." pamaya-mayang sabi niya. Bahagya niyang hinaplos ang buhok ko. "Kailangan mo nang umalis."
Napatigil ako sa sinabi niya. Heto yata ang pinakamasakit na pag-alis. Iisipin ko palang na magdis-appear na ako ay sobrang nalulungkot ako.
Tsaka ko nalang marerealize na ang dami ko pa palang gustong gawin. Ang dami ko pang pangarap. Yang si Taehyung yieee. Oo na, advance ako mag-isip.
Nang bumitaw ako ng yakap ay ngumiti ako sa lola ko. "Lola, okay lang po ba kung bigyan niyo po kahit isang araw pa?" tanong ko sa kanya sabay cross fingers. Sana ay payagan niya ako. I just needed that day to formally say goodbye.
"Kahit kelan ka talagang bata ka." Naiiling na sabi niya sa akin. She touched my face. "You can. Aalis tayo bago matapos ang araw, okay na ba sayo iyon?"
Tumango naman ako. For me, that's enough. "Thank you Lola Kambs." sabi ko sa kanya. Pagtingin ko sa harap ko ay nawala na siya. Hala, hindi ko man lang natanong yung meeting place namin! "Lola naman eh! Saan niyo po ako susunduin? Filipino time po ba?"
Bumalik naman ako sa may bahay namin nila Trisha. Mamaya ko nalang gagantihan yang si Taehyung. Pagkapasok ko ay nakita ko yung kaibigan ko na nakatulala sa may kwarto niya.
"Anong trip mo?" natatawang tanong ko. Mamaya pa kasi yung dating ni Miel dahil may binili pa yata yung bata na yon. "Wala akong perang maibibigay sayo Trisha."
Umupo ako sa tabi niya. Inihilig naman niya yung ulo niya sa akin. "Iisipin ko nalang na ikaw si Jungkook." bulong niya. Bahagya ko naman siyang tinulak. "Alam mo ikaw, basag trip minsan."
I patted my shoulder. "Sige na nga. Kunyari ako na si golden maknae." pampalubag loob kong sabi sa kanya. "Busy ka ba bukas?" tanong ko sa kanya.
"Wala akong duty, bakit?" tanong naman niya sa akin.
"Gusto ko sana magparty." Napaayos naman siya ng upo at hinarap ako. "I mean yung dito lang sa bahay natin. Kainan ganern." paliwanag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Touch of Twilight || BTS Fanfiction
Fanfiction| completed | maknae line series one: kim taehyung Language: Filipino/ English ©2018