Fourteen

219 18 2
                                    

Fourteen: Kiss is all that you need

---

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Trisha. Nagtaka naman ako at ang aga nilang nagising ni Hoseok. Even Miel is awake and staring at me. "I know that look Mika, may hinahanap ka pa ba?"

I crossed my arms. Naupo naman ako sa may table sa may kitchen. "Nah, I am just walking outside. Exercise?" sabi ko naman para makalabas.

"Seriously? Are you gonna check on the both of them?" tanong naman ni Hoseok.

Tiningnan ko naman silang tatlo. "Alam niyo may something eh. May tinatago ba kayo sa akin?" pag-iiba ko ng tanong. Mukhang effective yung tanong ko kasi umiwas ng tingin yung dalawa. Miel can't hear me kaya tahimik lang siyang nanonood sa amin.

"Anong itatago namin sayo?" bulong naman ni Trisha. I smirked. I know her. Halos nakabisado ko na siya dahil sa dalas ba naming magkasama? "Geez Mika! Lagi ka nalang tamang hinala!"

"You can check on them." sabi naman ni Hoseok. Kanina ay parang ayaw nila akong paalisin tapos ngayon ay pwede na? Gulo ah. "You're free Miks. Be back after ten minutes."

Napahinto ako sa paglabas ko. "Bakit laging may timer?" takang tanong ko sa kanila.

Hindi naman sila kumibo kaya umalis na ako sa bahay namin. I immediately went to Bangtan's home. Pagpasok ko ay napasimangot naman ako. Nakita ko na tulog yung dalawa sa may sala habang nakabukas yung tv.

Ang kalat ng buong bahay! Ano bang ginawa nilang dalaw? Naghabulan? I sighed. Mabuti nalang at magaling ako dahil hindi ako mapapagod kahit maglinis ako.

Inuna ko yung sala. Inayos ko naman sila ng higang dalawa. Grabe, tulog mantika! Mamaya ko na sila titingnan kapag maayos na yung buong bahay.

Kinuha ko naman yung vacuum cleaner nila at nagsimula na ako sa seremonyas ko sa bahay nila. Hype pala! Saan ka nakakita ng multo na naging isang house keeper?

Mabuti nalang at maganda ako dahil kung hindi! Char lang yung kagandahan ko! Pagkatapos kong maiayos yung mga gamit sa sa ay umakyat ako sa mga kwarto nila.

Masasabi ko maayos naman yung mga kwarto nilang lahat kaya bumaba na ako. Aba't tulog pa din sila?

Hmmm, nang mapunta ako sa kitchen ay nakita ko sa sink yung mga balat ng ramen doon. Grabe, nag instant noodles na naman ba sila?

I know that Seokjin will be mad at me kapag ginalaw ko yung kitchen niya pero hindi ko matiis yung dalawa na yun. Nilubos ko na ang pangingielam ko sa kitchen nila. Niraid ko yung mismong ref nila.

Naghanda ako ng breakfast sa dalawang ugok. Oo ugok sila dahil ang taas ng mga pride! Kita mo nang nakikipag-ayos na ako sa kanila para matahimik na ako pero parang ayaw pa nilang ibigay sa akin iyon.

"What the?" Nagulat naman ako sa nagsalita. Nahulog ko yung sandok na hawak ko. Agad ko naman itong pinulot. "Are you alright?" Bigla naman niya akong nilapitan.

Hindi naman ako nakapagsalita at tiningnan ko lang siya. "Hey." mahina niyang sabi kaya natauhan ako. "What are you doing here?"

Agad naman akong lumayo sa kanya. Umupo naman siya sa isang upuan at tumingin sa akin. Hinihintay niya siguro ang isasagot ko sa kanya. "I-I'm just stopping by. Hindi ako stalker, promise." sabi ko sa kanya.

"Hyung? Oh, you are also here." bati ni Jungkook sa akin. Mukhang nagsing na din siya. "Are you with the rest of them?" tanong naman niya.

Tumango naman ako. "Nasa bahay na sila nakatulog. Okay lang na pumunta kayo doon kung di kayo busy." sabi ko sa kanya.

Touch of Twilight || BTS FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon