Nineteen
Nakatulog na sila Trisha kaya nag-ayos na ako para umalis. Alam ko na magagalit talaga sila sa akin. Hindi ko nabanggit na aalis na talaga ako. Final na talaga ito.
Lumabas na ako ng bahay namin. Kikitain ko na si lola ko. Habang nagpapalutang lutang ay nagbabalik tanaw ako sa mga kagagahan ko.
"Eomma, miss na kita." sabi ko naman. Hindi ko na nabisita sila eomma.
"Miss ka na din ng mama mo." Nagulat naman ako sa nagsalita. "Apo, parang nakakita ka ng multo?" natatawa niyang tanong sa akin.
Napaubo naman ako dahil sa sinabi ni lola. "La, multo na po tayo." sabi ko naman. "Bigla nalang po kasi kaying nanggugulat."
She smiled. Inilahad niya yung kamay niya. "Ready ka na ba?" tanong niya sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba kahit wala akong puso, literal. "Hindi tayo pwedeng magtagal dahil hindi maganda kung magpapagala gala ka."
"Bawal po ba ako manatili dito sa lupa?" tanong ko naman. I accepted her hand. "Hindi naman ako pasaway lola. Babantayan ko lang yung Bangtan." wala sa sariling sabi ko.
She patted my head. "Don't worry apo. Maayos ang lahat." Natatawa niyang sabi. Hindi naman yata pinakinggan ni lola ang request ko. "Malalate na tayo. Maghanda ka na, okay? Medyo maingay sa pupuntahan natin. Kung makakalimutan mo man ang nangyari sayo ngayon ay babalik din ito sa tamang oras."
Kahit naguguluhan ay tumango naman ako. "Okay po lola. Handa na po ako." sabi ko naman sa kanya. She smiled. Hindi ko alam ang nangyari. Ang alam ko kang ay wala na ako dito sa lupa at ang pupuntahan namin ay maingay.
Pupunta kaya kaming concert? May ganon ba sa langit?
Wala akong itinerary!
---
Trisha's Point of View
Naalimpungatan ako dahil sa tawag na narinig ko. Napatingin ako sa phone ko na kanina pa yata tumutunog.
Hindi ko na nakita ang caller id kaya sinagot ko na ito. "Hello?" inaantok kong sabi. Medyo nakakapagod ngayong araw. Nasaan kaya si Mika?
"T-trisha?" Bigla naman akong nagising. Napaayos nga ako ng upo dahil sa boses na narinig ko mula sa kabilang linya. "Can you come here?" tanong niya sa akin.
I didn't hesistate. "I'll be on my way Tita." sabi ko sabay baba ng tawag. Bahagya kong kinalabit yung dalawa. "Hey, tara na sa hospital." aya ko sa kanilang dalawa.
"May ano eonni?" tanong ni Miel. Bigla naman na nanlaki ang mata niya at hinila na si Tally patayo. Dali-dali kaming pumunta sa hospital.
Wala kaming pakielam kung anong nang hitsura namin. Kinakabahan ako pero sigurado ako na maayos ang lahat.
Nakasalubong namin si Tita sa may hallway. Namumugto na ang mga mata niya. Nang makita niya ako ay yinakap na niya ako. "S-she..." binigyan namin siyang tubig habang pinapakalma.
Inalalayan namin siya sa bakanteng kwarto. Alam kong wala pang pahinga si tita. Siya yung mama ni Mika. Nang makita ko na nakakatulog na siya ay pinabantayan ko siya kila Miel.
Lumabas ako ng kwarto para pumunta sa kanya. She had her seizure earlier. Mabuti nalang at naagapan at lumaban siya.
She didn't die. Actually, she almost die.
Mabuti nalang at matapang siya at naagapan pa. Sabi ng mga doctor ay saglit na tumigil ang tibok ng puso niya. That's why I almost had a heart attack nang makita ko siya sa bahay naming dalawa. She's still the bloody Mika that I've brought to the hospital.
BINABASA MO ANG
Touch of Twilight || BTS Fanfiction
Fanfic| completed | maknae line series one: kim taehyung Language: Filipino/ English ©2018