Three: CCTV
I choke when I saw my picture at the television. Halos mabato nga ako sa kinauupuan ko. "Aish, dapat yung DP ko sa facebook ang kinuha nila or yung sa IG!" inis na sabi ko habang pinagmamasdan ang histura ko sa may tv.
"Are you joking?" tanong naman ni Trisha sa akin. Kagagaling lang niya sa hospital para icheck kung okay lang ang mama ko doon.
I rolled my eyes at her. "Nope. I am not!" sagot ko naman sa kanya. "Wait, kelan ang libing ko?" tanong ko naman.
Halos masamid naman siya sa sinabi ko. I gave her a glass of water. Kumakain siya ngayon habang ako naman ay nanonood lang. Hindi naman kasi ako nakakaramdam ng gutom. Tsaka baka lumusot lang kung saan yung pagkain kapag kinain ko.
Ngumisi naman ako sa kanya. "Sumali tayo ng talent show? Super maamaze sila sa gagawin natin. Papaliparin mo ang mga bagay-bagay pero syempre ay ako ang gagawa non!" suhestyon ko sa kanya.
"Sira ulo ka talaga Mika." She said. Namumugto pa din ang mata niya kakaiyak. "Mas lalo mo akong pinapaiyak eh!" naiinis na sabi niya.
Aish, ang crybaby ng bestfriend ko. "Fine. Hindi na tayo sasali." sagot ko sa kanya. "Isusukat ko yung damit na panglibing ko, malay mo hindi matuloy?"
Binatukan naman niya ako. Naramdaman ko yung batok niya pero parang bumatok lang siya sa hangin kung sa normal na point of view titingnan. "May point ka naman. Kapag sinukat ang gown sa kasal ay hindi daw matutuloy ang kasal so sa libing din ay ganern?"
Nagkibit-balikat lamang ako. Bigla naman umilaw ang bumbilya sa utak ko. I have a great great idea na sure akong hindi niya tatangihan. "I can watch them!" masayang sabi ko sa kanya.
She looked at me. Mukhang hindi naman niya nagets ang sinabi ko. "What?" takang tanong niya.
Pumalakpak naman ako. "I mean pwede ko silang videohan! Yung BTS bes! Diba gusto mo silang makikita everyday? Kahit pa sa pagligo ay babantayan ko sila 25/8 pa kamo." paliwanag ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya. "Uy pavirgin ka talaga. Malaki ka na at nasa tamang gulang na para makakita ng itlog. Itlog ng butiki bes. Ang dumi ng utak!" pang-aasar ko sa kanya.
Nagtakip naman siya ng mukha. I even saw her blushed. Natawa naman ako ng malakas. "T-tigilan mo yan!" bawal niya sa akin.
"How about a no? You see, this one is a win- win situation. You can watch what they are doing and I can see them naked." Hinampas niya na naman ako. "What? Ang sadista mo naman. Ano ba ang gusto mo makita ha? Sabihin mo lang para ma--"
"Mika!" sigae naman niya sa akin. Ang KJ ng lola niyo. "You're invading their privacy. You just can't do that." sabi pa niya sa sakin pero namumula pa din siya.
I pointed her face. "Pero naiimagine mi na ang matambok n--" Tinakpan naman niya ang tenga niya para hindi niya ako narinig. Inalis ko naman ito. "Matambok na pisngi ni Jimin! Ang dumi ng utak mo Trisha." komento ko naman.
Napahiga nalang siya sa may lapag dahil hindi niya kaya ang feels niya. "You are really something Mika. Kahit na mumu ka na ay baliw ka pa din." She said.
I flipped my frizzy hair. "Yeah right coz I'm fab, bitch." sagot ko naman sabay higa sa may lapag. "Duguan pa din ba ako?" random kong tanong sa kanya.
She nodded. "Yeah. Pwede ka sa Halloween. Panalo ka na." biro niya pa sa akin.
I rolled my eyes at her. "Duh. Bakit ba walang parlor ang mga deads? Para naman mabigyan ang hustisya ang hitsura ko." bulong ko naman. Tumayo naman ako at pumunta sa may kwarto ko.
"Geez Mika! Bakit ka lumulutang?"
"Duh. Alangan naman na gumapang ako! Edi nagtatakbo ka sa may labas. Gagang to!" sagot ko sa kanya. Lumusot ako sa may pintuan since tamad akong magbukas ng pintuan.
I grinned when I touch my second favorite object. Lumabas naman ako sa kwarto ko at dumiresto sa may kinauupuan ni Trisha "Ano yan?" tanong naman niya sa akin.
"Hulaan mo, dali. I will give you a clue." I winked at her. "Isusuot ito." sabi ko naman.
Her eyebrows furrowed. "Accessories?" tanong naman niya.
Umiling ako. "Mahaba ito yieeee. Iba iba ang size nito. May maliit at may malaki. Iba din ang brand nito."
Nanlaki naman ang mata niya. "Anong gagawin mo sa condom?" tanong niya sa akin.
I laughed when she said that. Pinitik ko siya sa noo. "Hype ka talaga. Hindi condom ang dala ko. Camera bes." Sabay pakita ng cam ko sa kanya. "At pano ko gagamitin ang condom? Eh virgin pa kaya ako no." I said with a grin.
"Whatever. Ano ang gagawin mo sa camera?" She asked.
"Kakainin ko Trisha." sarcastic na sagot ko sa kanya. "O kaya magbloblog ako. First time na magiging sikat ako dahil ako lang ang sikat na multo in the mortal world."
"You're unbelievable." She said in disbelief. "Kung saan ka masaya ay doon lamang ako. Ako ang number .5 fan mo!"
I arched my eyebrows. "Yeah right, talagang .5 lang Trisha. Ano ka, manananggal?" sarcastic na tanong ko sa kanya. "Pero pwede din naman. Manananggal ng damit ng BTS."
Tinakpan na naman niya ang mukha niya. Gosh, hindi niya talaga kaya ang kagagahan ko. "Mika! Umagang umaga naman!" She whined.
I just shrugged. "Ang sarap kasi nila." I said with a smirk. I also bite my lip then wink at her. Umakto naman siya na masusuka kaya binatukan ko kaagad. "Hayop na to. Ang sarap nilang pag-usapan."
Gumayak naman siya dahil may intern pa siya today. You know, kahit na hard core fan girl ang bessy ko ay masipag mag-aral yan. "Goodbye Trisha." paalam ko naman.
Pinaningkitan niya ako ng mata. "Don't say that. Mamaya ay bigla mo nalang akong iwanan." I can hear sadness on her voice.
Napansin ko naman na may mga taong napatingin sa kanya. She talked loud! "Okay! Wag mo akong replayan! Napapagkamalan kang baliw eh." Natatawa kong sabi.
She nodded then walked away.
I walked away too. Ay hindi pala hehe dahil tinatamad akong lumakad ay nakisakay nalang ako sa taas ng isang jeep.
Grabe, so hot in our country ha. Pwede na akong magprito ng itlog dito sa taas ng jeep! Mabuti nalang at tumatagos lang yung sinag ng araw sa akin.
Bumaba ako sa isang kanto na matagal ko nang gustong puntahan. Kaya lang ay mahigpit ang security nila sa lugar na ito. Kahit yata ipis ay hindi kayang makapasok dahil sa higpit ng security.
Syempre, joke lang yung sa ipis.
Dahil ako ay isang deads na nilalang ay chicken lang ang lumusot sa security. Nang matapat nga ako sa CCTV ay nag heart sign pa ako. "Saranghaeyo, oppa! Ang ang!" pacute kong sabi pero kaagad kong tinigil yun dahil hindi ko makeri yung ginagawa ko.
Matapos kong pagsawaan ang CCTV ay nag-ikot na ako sa village na ito. Pero habang naglalakad ay napaisip naman ako.
Ano ba meaning ng CCTV?
Ah dahil brainy ako ay alam ko na agad.
Camera Connected to Video!
I am so damn genius!
---
A/N: Hello guys.
BINABASA MO ANG
Touch of Twilight || BTS Fanfiction
Fanfiction| completed | maknae line series one: kim taehyung Language: Filipino/ English ©2018