Fifteen: Something New
---
A/N: TAEYEON EONNI HWAITING!!! BELATED HAPPY BIRTHDAY SEOHYUN EONNI♡♡♡♡ love youuuu
---
"I could die in this moment..Forever young!" kanta ko naman habang nasa rooftop ng bahay namin. I mean naglalaro kasi kami ng hide and seek ng feelings este hide and seek lang.
Kung matino silang tao ay hindi nila iisipin na nandito ako sa may taas ng bubong ng bahay namin ni Trisha. Ah bahala sila doon sa loob.
Sumayaw sayaw pa nga ako habang kumakanta dahil ang lit ng kanta ng Blackpink! Alam niyo naman na makamultifandom ako.
"Forever young!" I sang in the tune of their song.
"You're out Mika!" Halos mahulog naman akong literal dahil kita ko yung mukha ni Yoongi sa may bintana. Nakasilip siya at tinuturo niya ako. "What the hell are you doing up there?"
I just stare at him. Halos mamatay na nga ako dahil sa sinabi niya kanina! "Nakakabuo ka pala ng sentence?" Hindi ko napigilan yung kadaldalan ko. Binuksan naman niya yung bintana. "Wag ka nang umakyat. Pupunta na ako dyan." sabi ko naman sa kanya.
Bumaba naman ako at pumunta na sa loob ng bahay. Akala ko ay hindi siya maghahanap dahil alam mo naman yang gummy bear na ito. "Tsk. Are you always singing by yourself?" Halos masamid naman ako. "I can see that you're enjoying yourself out there."
Tinakpan ko naman ang mukha ko. He saw me dancing like an idiot! "E-eh ano naman? A-at least kahit sa ganoong paraan ay masaya na ako?" I replied.
Dumungaw naman siya sa may bintana. I looked at him. Grabe, madalas kong tanungin ang sarili ko kung totoo ba silang tao? They are surely works of art. Kahit anong anggulo ay wala akong masabi. "You're staring." puna naman niya. Hindi naman ako umiwas ng tingin. "What are you thinking?"
"Are you sure that you're real? Grabe, para kayong art." bulong ko naman. I even tried to reach him. Tutusukin ko sana ang buhok niya pero nahuli niya yung kamay ko. "Chinecheck ko lang kung totoo ka!"
Hindi niya binitiwan yung kamay ko. "H-hyung!" Napabitaw naman siya sa pagkakahawak sa akin. Kita ko yung mukha ni Taehyung. Teka, nanaginip ba ako?
Sinampal ko naman yung sarili ko. Agad silang lumapit sa akin. "Are you crazy? Why are you slapping yourself?" tanong agad sa akin ni Taehyung.
Napanga-nga naman ako sa kanya. "T-totoo ka ba? O panaginip lang kita? Baka naman pangarap lang kita?" Kung anu-ano na ang kagagahan na lumalabas sa bibig ko. Kailangan ko nang umalis muna dito dahil baka sumabog ako sa dami kong feels sa kanila. "Wait lang guys, di ko na kaya."
Mukha namang nagpanic sila. Lalo pa nila akong nilapitan. Nag sign ako na huwag silang lumapit pero parang hindi nila nagets. "A-are you alright?" tanong ni Yoongi sa akin. Mahina niya akong niyugyog.
"T-teka lang! Layo muna kayo ng konti." awat ko naman sa kanila.
"Why?" tanong ni Taehyung. Sabi ko nang wag siyang lumapit eh! Lalo pa niyang nilapit yung mukha niya.
"Are you two kissing?"
Napaupo naman ako ng marinig ko ang boses mula sa likuran nila. I saw Jungkook who's wiggling his eyebrows. Siya yung mahiling mang-issue.
"Kiss? Mika? Yoongi? Taehyung?" sunod-sunod na banggit ni Seokjin ng pangalan namin. Tinakpan nga niya ang mata ni Miel pagkatapos niya sabihin yon.
"Pusahamnida! Walang ganon oy!" mabilis kong sagot sa kanila. "Gusto niyo bang madouble dead ako ng mga fans niyo? Reality check, wala na ako sa mundo niyo guys."
Tumahimik naman sila dahil sa sinabi ko. "You're really unbelievable." Namjoon said with a grin.
---
"Yah Kim Taehyung!" inis na sabi ko sa kanya. Bigla ba naman na ipinahabol ako sa aso niyang si Yeontan. Alam kong cute yung aso niya pero nangangat ito! "Kakagatin kita kapag kinagat ako ng aso mo!"
He just stuck his tongue at me. Parang mas feels ko pa yung magkakaaway kami kasi hindi nila ako pinaprank. Parang ako dapat yung gumagawa non pero parang baligtad. Ako yung laging biktima ng trip nila.
"Run faster!" pang cheer naman ni Hoseok. Hindi siya nakakatulong sa akin.
Lumusot naman ako sa may living room kung saan nandoon sila Jimin na nanonood. "Excuse me, padaan!" sabi ko sabay lusot sa TV nila.
"What the fck!" rinig kong sabi ni Yoongi. Nabunggo ko pala siya! Katakot naman ang isang ito. "Why are you running?"
Bago pa ako makasagot ay narinig ko na si Yeontan na tumatahol. Hinila ko nalang si Yoongi kaya pati siya ay napatakbo. "Min Yoongi-ah, sorry pero patigilin mo naman si Yeontan." sabi ko sa kanya habang hila-hila ko siya.
"Why are you dragging me?" tanong naman niya. "Yeontan likes you so do..." Hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya. Napunta kaming dalawa sa may kwarto ni Jungkook.
Mabuti nalang at tulog mantika ang isang ito. Magsasalita sana yung kasama ko pero tinakpan ko ang bibig niya. Inalis niya yung kamay ko. He glared at me. "You're childish." sabi niya sa akin.
This time ay ako naman yung umirap sa kanya. "Excuse me, sabagay lolo ka na nga pala." pamaya-mayang sabi ko.
"Excuse me but I'm also trying to sleep in here." Nabigla naman ako dahil nakita ko na seryosong nakatingin sa aming dalawa ni Yoongi. "Ah this one is more complicated."
Lumabas naman na kaming dalawa sa kwarto ni maknae. Hindi ko nagets yung sinabi niya sa amin kanina. Complicated? Yung sitwasyon ba namin?
"Sige Yoongi, sorry talaga kanina." sabi ko sa kanya. Imbes na sagutin ay pinitik niya lang ang noo ko. Damn this gummy bear. "Aray ha. May araw ka din sa akin." bulong ko naman.
He just chuckled then walked away. "All you need is to ask." He said leaving me dumbfounded. Putcha talaga na gummy bear na iyon.
Nagpunta naman ako sa may rooftop nila. Panibagong araw na naman ang matatapos. Napahinto nga ako ng may makita akong pamilyar na pigura na naglalakad.
Bumaba ako sa rooftop para icheck. "Lola?" di ko makapaniwalang sambit. Kinurot ko nga ulit ang sarili ko dahil sa nakita ko.
Sinong hindi magugulat kung matagal nang pumanaw ang lola ko?
---
BINABASA MO ANG
Touch of Twilight || BTS Fanfiction
Fanfiction| completed | maknae line series one: kim taehyung Language: Filipino/ English ©2018