Twenty One
Mika's Point of View
I stared at my cat. Sa wakas ay nakabalik na ako sa bahay namin ni Trisha. Ang tagal ko bago naconvince si eomma na bumalik ako dito sa bahay namin ng bestfriend ko. At the end, nakabalik na ako and I am happy.
Yinakap ko yung pusa ko. Namiss ko siya. Pansin ko na ang taba na niya. "Mika! Welcome home!" Yinakap naman ako ni Trisha. Nandito din sila Miel at Tally para everybody happy.
Pumasok naman kaming apat sa loob. "Bakit ganyan ang gayak niyo?" I asked them. Nagpaikot-ikot naman sa akin yung dalawa. "Teka, nahihilo ako sa inyo." awat ko sa kanilang dalawa.
Huminto naman si Tally. "Eonni, secret." Hinila naman nila ako palabas ng bahay namin. "Trust us, mag eenjoy ka dito."
Sumama naman ako sa kanila. "Okay pero malapit nang gumabi ha." paalala ko naman sa kanila. Si Trisha yung nagdrive ng sasakyan namin.
Wala pang ilang minuto ay nakarating kami sa harap ng isang building. Bigla naman akong kinabahan. "Anong gagawin natin dito?" tanong ko habang papasok kami sa loob.
"Manonood." mabilis na sagot ni Miel. "Kaja eonni." She linked her arms on mine. Pumasok na kami sa loob. Nagulat ako dahil ang daming tao.
Nasaan ba kami?
Umupo naman kami sa bakanteng upuan. Parang pamilyar yung feeling na nararamdaman ko. Halos puro kabataan yung nakikita ko dito.
"Annyeong haseyo." Napatigil naman ang lahat ng may isang lalaking nagsalita. He looked familiar. "I'm the leader of Bangtan Sonyeondan." Shemay! Totoo ba sila?
Naghiyawan naman yung halos lahat ng tao dito. Pati yung mga kasama ko ay naghiyawan na. I tried not to smile but I failed.
Lalong nabaliw yung mga tao ng lumabas yung anim na lalaki. Pati ako nakanganga na sa kanila. They seem so unreal. They looked so good.
Drop dead gorgeous!
"Mika, galaw din pag my time." sabi naman ni Trisha. "You miss them?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako. Namiss ko talaga sila. Hindi na ako masyadong nakabalita sa kanila simula nung aksidente. At hindi pa rin nagsisink-in na kilala ko silang lahat and vice versa.
"Hindi naman sila talented." rinig kong sabi nung isa. Nagulat ako ng sumigaw pa yung iba. "Mga feeler!" Oh no, you don't do that to them.
Napantig ang tenga ko dahil sa mga sinasabi nila. Natahimik nga yung mga tao dito. Yung iba ay nagbubulong-bulungan. I saw the faces of Bangtan. Alam kong disappointed silang lahat. Alam kong malungkot sila.
"Excuse lang po pero hindi niyo kailangan isigaw yung opinion niyo. Kailangan ibroad cast lahat? Talented silang lahat at hindi sila feeler." paliwanag ko naman sa kanila. Naramdaman ko na pinipigilan na ako nila Tally. "Sandali lang guys hindi ako makikipag-away." pag-aasure ko sa kanila.
Nagresume na nga yung fan meeting nila. Kinausap yung mga sumigaw kanina. Samatala, yung mga katabi ko ay halos mapunit na ang mukha sa katatawa.
Natapos naman ng maayos yung fan meeting nila. "Hindi pa tayo uuwi?" Takang tanong ko sa kanya. Nagulat ako ng hilahin ako nila Trisha. "Saan pa tayo pupunta?"
"Celebration." sagot lamang niya. Sumakay na nga kami sa sasakyan. Halos mga nasa ilang oras ang byahe namin. "Sleep first Mika."
---
Trisha's Point of View
Nakarating naman kami sa resort ng maayos. Halos nakatulog na nga yung mga kasama ko lalo na si Mika. Masandal, tulog naman kasi siya.
"Trisha?" Napahawak naman dibdib ko. Nagulat ako at kaharap ko na si Jungkook. Halos hindi nga ako makapagsalita. "You came!" Hindi ako makapaniwalang yakap niya ako. Ang gwapo niya mga bes! At bango pa.
"Ehem!" Napabitiw naman siya nang may tumikhim. Aww! Bitin naman ako! "Hi kuya jungkook." bati naman ni Miel sabay ngiti sa akin. Pinandilatan ko lang siya na wag siyang maingay.
"Hey guys." bati niya doon sa dalawa. I tried not to laugh. Hindi pa kasi nila alam yung totoong nangyari kay Mika. They didn't talk about it. Simula nang hindi na dumalaw si Mika ay hindi na nila ito pinag-usapan.
Hoseok said that his members avoided questions when it comes to Mika. Hindi ko alam kung nagpapaindenial lamang sila at iniisip na natsugi na yung antukin na nakasakay sa sasakyan at this very moment?
"Let's go. Where are your things?" tanong niya sa amin. Akma niyang bubuksan yung passenger seat pero napigilan ko. Tinuro ko naman yung gamit namin na nakababa na. Hindi pa niya pwedeng makita yung surprise namin.
Tinulungan niya kami sa pagbubuhat ng gamit. They invited us in here. Celebration dahil successful yung comeback nila pati ang album nila.
Hindi naman na ako nagpabebe. Isa pa, hindi naman tumanggi yung dalawa nung inaya sila. Halos nadala nila yung buong bahay nila sa bakasyon na ito.
"Did you forget something?" pamaya-mayang tanong ni Jungkook sa akin.
'Pano ko ilalabas si Mika doon? Mamaya pa magigising iyon.' I said at the back of my mind. Naalala ko naman si Hoseok. I send him a text para mabuhat niya si Mika at mailagay sa kwarto namin.
From Hoseok:
'Okayyyy \(~o~)/. Don't worry hihi. ' ganyan ang nakuha kong reply mula kay Hosoek. Medyo kinabahan ako sa reply niya. Lasing ba siya o ano?
"Your suite is across our suite." sabi pa niya. "See you later guys." He said with a small smile. Damn, I am so lucky to have him. Lol. Advance na ako mag-isip.
"Salamat. Ang ganda ng hair color mo." I said with a grin. His hair suits him so much. "Mamaya nalang." sabi ko naman. Kumaway naman siya.
"Wow eonni, bida-bida kay crush?" sabi naman ni Tally sa akin. Nakita ko naman kanina pa siya nakitingin sa phone niya. Inistalk siguro si Jimin.
"Nako, patangkad ka muna." sabi ko naman. "At patanda ka muna, ineng." pahabol ko pa. Sabay naman tumingin yung dalawa sa akin. Inirapan nila ako. Mas matanda kasi kami ni Mika sa kanilang dalawa.
Inilagay na nga namin ang mga gamit namin sa loob. May ilang kwarto yung suite namin. May apat na kwarto kaya tig-isa kaming apat.
Sana ay mailipat ng maayos ni Hoseok si Mika ng hindi nakikita ng ibang members ng Bangtan.
Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi oa din nakakarating si Hoseok dito sa unit namin. Lumabas naman ako para icheck kung nakuha na si Mika.
Nang makabalik ako ay wala na siya sa kotse. Saan naman dadalhin ni Hoseok si Mika?
"Boo!" Halos mapaupo ako dahil sa gulat ko. "Your face Trisha!"
Kung hindi lang mabait tong si Hoseok ay papatulan ko siya. "Bakit ka nangugulat dyan? Nasaan si Mika?" tanong ko naman.
"I already put her into bed." He said.
Natigilan naman ako. "What? Parang hindi ko siya nakita. Sa room 777 mo siya dinala?" pagconfirm ko sa sinabi niya. Doon kasi ang room namin.
"Hmm? I thought you're in room 778?" sabi pa niya.
Nanlaki naman ang mata ko. "That's your room number!" sabi ko sa kanya. Mukhang nagpanic siya sa sinabi ko. Paano namin kukunin si Mika doon? Magkakagulo na ang lahat.
"She still doesn't remember?" pamaya-mayang tanong niya sa akin.
I sighed. "I don't know. Mukhang hindi pa din bumabalik ang memories niya." sabi ko naman. Kung bumalik na kasi ang alaala niya ay mas magiging madaling ipaliwanag sa kanya yung nangyari pero sa ngayon ay mukhang clueless pa din siya.
BINABASA MO ANG
Touch of Twilight || BTS Fanfiction
Fanfic| completed | maknae line series one: kim taehyung Language: Filipino/ English ©2018