Hating Bakla
(SHERIDAN)
by imrodsy23~~~
"AKIN NA nga 'yan!" Pagalit na tumayo si Shersher. Nasa gitna siya ng kaba at pagkapahiya nang tangkain niyang agawin sa kamay ni Calvin ang nakarolyong crosswise. Pero nabigo siya.
"Come and get me, get me. Yow! Come and get me, get me." Humahagalpak na umatras si Calvin. Napanatiling kilik ang bola sa tagiliran habang nakataas ang isang kamay na hawak ang tinawag nitong love letter. Intensyong asarin at pikonin ang bakla.
Umasim ang mukha ni Shersher. Sa tangkad at laking lalaki ni Calvin, daig pa niya ang aso sa pag-abot ng tinik na hawak ng amo at nilalaro. Idagdag pang baka halos mayakap na niya ito sakaling pilitin niyang abutin at agawin ang sulat ni Mr. Presko para sa kanya.
Pero nakakahiya naman kung mababasa iyon ni Calvin. Tiyak niyang napaka-embarrass niyon.
"Uy!" untag ni Calvin nang hindi kumibo si Shersher at matalim lang ang titig sa kanya.
"Alam mo nag-aaral ako sa Trigo, disturbo ka." Kunwang naiinis na pangongonsensya niya. Kung hindi ba naman kasi feeling close ang binatilyo. "Akin na kasi 'yan!" Lumapit siya rito at muling sumubok. Naabot niya ang braso nito pero dahil pawisan iyon ay dumulas lang ang palad niya pababa sa balikat nito. "Ayy!" Hindi sadyang nasadlak ang face niya sa kanang dibdib nito, malapit sa kilikili. Nanlaki ang kanyang mga mata.
"Oops! Got you!" Si Calvin na malawak ang pagkakangisi. Awtomatikong binitiwan ang bola sa kaliwang kamay sabay agapay sa katawan ni Shersher na muntikang mawalan ng balanse. At sa pagkakayuko'y agad nasamyo ang matamis na halimuyak ni Shersher. Bigla ang paghugot nito ng hininga. Hindi sadyang dumulas ang palad sa pang-upo ng bakla.
"Calvin!" Napasinghap si Shersher. Tila nakuryente ng palad ng binatilyo. Namimilog ang mga matang naitulak sa dibdib si Calvin kasunod ang paatras na hakbang. Ngunit hindi na maitatago ang pag-iinit ng mukha nang tila pumapagkit pa rin sa kanyang katawan at pandama ang mainit na singaw ng katawan ni Calvin. Matigas nga iyon, mabango at lalaking-lalaki na para bang bagay na bagay sa kanyang malambot na katawan. Naipilig niya ang ulo.
Pilyo ang matunog na tawa ni Calvin. "Pulang-pula siya o. Patas lang tayo, natsansingan mo ako. Natsansingan kita."
"Anong tsansing!" Napanganga siya sa hambog na lalaki.
"Wag mong itanggi! Sininghot mo ako!" Kumpiyansang imbento ng binatilyo.
"Hoy ang kapal mo! Anong akala mo sa akin! Hindi kita tsinansingan, 'no! Mahiya ka sa balat mo! Feeling mo naman! Nakakainis ka na ha!" Todong depensa niya.
"Sa gwapo kong 'to, mahihiya ako sa balat ko?" Pagmamayabang pa ni Calvin.
"Arrgh! Bahala ka sa buhay mo! Basta hindi kita tsinansingan!" Muli siyang lumapit. Tiim bagang at nagkunwang pikon na pikon. Iyon ay dahil: Una ay upang maagaw na ang sulat na iyon para makaalis na siya dahil may mga nakakapansin na sa kanila. At pangalawa upang mapagtakpan ang panginginig ng mga tuhod niya dulot ng pagkakadaiti nila ni Calvin. "Ibigay mo na nga kasi sa 'kin 'yang... love letter ko!" Sa huli ay inamin na rin niyang love letter iyon.
Pero muling umatras si Calvin. Aliw na aliw sa hindi maipintang mukha ni Shersher. "Love letter pala huh, basahin ko muna---"
"Kupal mo! Sabing akin na 'yan!" Mabilis siyang nakalapit dito at muling tinangkang abutin ang braso nito.
"Yeah, but not that fast, baby!" Sabay hagalpak nang lumukso-lukso pa ang unanong bakla, makuha lang ang love letter.
At tinawag pa siyang baby! Feeling close na talaga ang tukmol na ungas. Tumalim ang kanyang mga mata. Abot-abot ang hingal at tibok ng puso. Binabanas na rin at nahihiya sa mga lumapit na estudyanteng tsismosa. Nagtatawanan. "Isa Calvin! Kapag ako napikon---"
BINABASA MO ANG
Bakla 2: Hating Bakla : SHERIDAN (GayRomance) (Completed)
Romance"Nang muli kitang makasama at makita ang mga ngiti mo. Inisip ko na parang masarap lumimot sa galit at ikaw na lang ang isipin ko." Una pa lang... doon sa Dolores High School; nasa puso na niya si Calvin Formalejo. Tinatanaw... hinahangaan at lihim...