💍Trouble 13: Harapan💍

698 51 7
                                    

Hating Bakla
(Sheridan)
by imrodsy23
Trouble 13








ORAS na ng uwian nang hapong iyon at buhos ang mga estudyanteng palabas sa malawak na gate ng Dolores National High School. At sa bandang hulihan ay nakikipagsabayan sa mararaming hakbang si Shersher. Subalit panay ang yuko niya sa bag dahil hindi niya makapa sa loob ang wallet.

"Saan na ba 'yon? Magpakita ka na!" nangangambang usal niya. Saglit siyang huminto sa paglalakad at nang makita rin ang hinahanap ay nakahinga siya nang maluwag.

Ang akala niya'y nawala na, tiyak na maglalakad na naman siya pauwi kapag nagkataon.

Matamis na ang ngiti sa mga labi nang muli siyang humakbang subalit isang marahas na palad ang dumakma sa pulso niya.

"Aray!" gulat na napaharap siya sa pangahas. "Sino bang---Edcelle!"

"Malandi ka! Oportunista!" asik ng dalagita sabay ng paglagapak ng palad sa pisngi ni Shersher.

Napasinghap ang mga nakasaksi. Subalit hindi iyon hihigit sa pagsinghap at pagkagulantang ni Sheridan. Buong pagtataka at pagkawindang na napakurap-kurap siya. Sapo niya ang tila nangangapal at humahapding pisngi nang salubungin niya ang nag-aapoy na mga mata ni Edcelle.

Pero ang maalalang mastermind ito sa pagpapabugbog kay Calvin ay saka lang niya nahamig ang sarili.

"Bitiwan mo ako!" tiim-bagang niyang winaksi ang pagkakahawak nito sa kanyang pulso. "Ano bang problema mo?" at pagalit niyang tinulak ang kaliwang balikat nito. Sa isip ay nagtataka siya kung bakit narito pa ito sa paaralan gayong inireklamo na nila ito sa awtoridad. Hah! Oo nga pala, menor de edad ito. Higit pa roon ay maimpluwensya ang ama nitong alkalde; na siguradong siyang naglinis sa kalat ng anak. Kaya't ganoon na lang siguro kakapal ang mukha ni Edcelle na muling manakit at rumampa sa kahit saan nang walang pinoproblema.

"May gana ka pang magtanong! Punyeta ka! Inaagaw mo sa akin si Calvin! Sinira mo ang pamilya ko!" Tungayaw ni Edcelle at muli sanang sasampalin si Shersher subalit mas mabilis ang palad ng huli.

Sa lakas ng sampal ay muntik nang mawalan ng balanse si Edcelle. Nabiling ang mukha, sumabog ang nakalugay na buhok at bahagya pang napaurong.

Ang ilang saksi ay mas nagulantang pa. Hindi inaasahang kayang manakit ni Shersher ng babae. Nagkaroon ng bulungan. May napailing... may napaismid.

"Likod ng palad ko ang tumama sa matigas mong mukha, Edcelle. At sinigurado kong malalasahan mo ang makiti mong dugo---"

"Walanghiya ka!" si Edcelle nang makabawi at walang patumangang sinunggaban ang buhok ni Shersher. "Ang kapal ng mukha mong harot ka! Kakalbuhin kitang punyeta ka!"

"Ano ba---Edcelle!" napadaing at ngiwi si Shersher sa hapdi at sakit ng nabubunot na anit. Agad ang mahigpit niyang kapit sa mga braso nitong buong ngitngit na ipinagwawagwagan ang ulo niya. "Bitiwan mo ako!" napalupasay siya sa sementadong daan.

"Inagaw mo sa akin si Calvin! Napakalandi mo para angkinin siya at itago sa bulok n'yong pamamahay! Oportunista! Harot!" at sa buong galit ng dalagita ay tinangkang ingudngod ang mukha ni Sheridan sa semento, pero mabilis na pumaloob sa palda ni Edcelle ang isang kamay ng bakla sa pagkagulat ng lahat. Sa loob niyon ay sumiksik ang kamay ni Sheridan at buong pagkasuklam na sinabunutan ang natagpuang buhok doon.

Nagulat at napahiyaw si Edcelle. Nanghilakbot. Napabitaw sa buhok ni Sheridan at saka itinulak. Hiyang-hiyang napaurong at 'di magkandatuto sa pag-aayos ng sarili.

Si Sheridan ay agad tumayo. "Ha! Ano! Nakita mo ang hanap mo? Kung garapal kang babae ka, mas garapal ako! Kapag ako ang kinanti mo, para ka na ring lumangoy sa sarili mong mantika!" at dinuro niya ang dalagita sa labis na galit. "At wala akong inaagaw sa 'yo! Bakla ka!"

Bakla 2: Hating Bakla : SHERIDAN (GayRomance) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon