Tara, maglaro tayo.
Masaya 'to.
Pero tandaan mo,
Walang mananalo
Sa larong ito.Pareho tayong matatalo,
Pero pareho tayong matututo.
Mula sa pagkakamali na ating nagawa,
Hanggang sa pagbabago nating dalawa.
Tara na't maglaro na tayo.Isa, dalawa, tatlo.
Magtago ka na bago ka mabigo.
O kaya, baguhin mo ang ruta mo,
Para 'di kita mahanap o mahabol man lang.
Bilisan mo ang kilos, bago mahuli ang lahat.At sa wakas, nahanap din kita.
Pasensya ka na
Pero, ika'y huli na.
Nakita na kita
Bago mo pa baguhin ang iyong ruta.Ngayon, may sasabihin ako.
Pagod na 'kong maglaro.
Tara na't itigil natin 'to.
Magpahinga rin tayo,
Ang tagal na nating tumatakbo.
Naghahabulan na parang walang dulo.Paalam na,
Kailangan na nating magpahinga.
Hilumin ang mga sugat na namamaga.
Kalmahin ang pusong hindi mapakalma,
At itigil ang utak kakaisip sa 'ting dalawa.
BINABASA MO ANG
100 Tula ng Puso
PoetryFeeling broken? Feeling tired? Feeling hopeless? Feeling sad? Feeling guilty? Catch all the feels by reading a collection of poems written from deep within my heart. - Nhoxxie P.S. It's not just about love. It's also about life.