Kakaiba ang paligid dito,
Napakalalaki ng mga puno,
Maraming bulaklak na tumutubo,
Payapa ang paligid, walang gulo.Mga huni ng ibon ang aking naririnig,
Boses ko ang siyang natatanging tinig.
Maliwanag at walang bahid ng dilim,
Hindi ito nababalot ng lagim.Malayo sa realidad, sa mga problemado.
Malayo sa mundo, sa maraming gulo.
Sana'y ganito nalang palagi,
Upang hindi na masaktan ang sarili.
BINABASA MO ANG
100 Tula ng Puso
PoetryFeeling broken? Feeling tired? Feeling hopeless? Feeling sad? Feeling guilty? Catch all the feels by reading a collection of poems written from deep within my heart. - Nhoxxie P.S. It's not just about love. It's also about life.