HULING TULA

366 4 0
                                    


Ito na ang huling iyak,
Na ibubuhos sa iyo.
Ito na ang huling tula,
Na iaalay sa iyo.

Kaya sa gagawin kong 'to,
Makinig kang mabuti, 'di ako nagbibiro.
Ang nilalaman nito,
Ay ibubulgar sa harap mo.

Mahal kita,
Mahal na mahal kita.
Pero hindi sapat iyon,
Para manatili pa sa ating relasyon.

Kaya sa aking paglisan,
Sana'y tayo ay may matutunan.
Humihingi ako ng pasensya sa 'yo
Para sa aking pag-iwas, sa paglayo.

'Wag mo sanang isipin
Na hindi na kita mahal, aking sinta.
Dahil hanggang ngayon,
Ikaw pa rin ang nais kong makasama.

Ngunit, gustuhin ko man lumapit,
Kailangan kong pigilan ang sarili,
Dahil ayoko nang ibalik ang dati,
At maranasan ang nakaraang mapait.

Mahirap man gawin 'to,
Sisiguraduhin ko
Na ito'y kakayanin ng aking puso,
Magiging mas matatag na 'ko.

Paglipas ng panahon,
Ako'y magiging mas matapang,
Mas matatag kesa noon.
Ang mga sakit ay tatawanan na lamang.

100 Tula ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon