SAYA

341 5 2
                                        


Paano ba maging tunay na masaya?
'Yung parang wala kang pinoproblema.
Paano ba maiiwasan ang kalungkutan?
'Yung tipong wala na itong babalikan.

Bakit ang hirap maging masaya?
Bakit ang daling maging malungkot?
Bakit ganito si tadhana?
Bakit nabubuhay ako sa takot?

Ayoko na muling madama,
Ang pakiramdam ng mag-isa.
Ngunit, bakit patuloy pa rin ako
Sa pagbalik sa sitwasyong magulo?

100 Tula ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon