ARAW AT BUWAN

954 16 0
                                        


Ikaw ang araw at ako ang buwan.
Tayong dalawa ay naghahabulan.

Sinong taya? Sinong nagtatago?
Sinong hindi nagbago?

Ikaw ang araw at ako ang buwan.
Teka lang, ako'y naguguluhan.

Akala ko ba'y naglalaro tayo?
Bakit parang naglolokohan na rin tayo?

Ikaw ang araw at ako ang buwan.
Ika'y mainit, ako'y malamig.
Hindi tayo nagtutugma, hindi kailanman.
Ika'y mainit, ako'y malamig.

Ikaw ang araw,
Ako ang buwan.

100 Tula ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon