Sa paglipas ng panahon,
Mga bagay ay 'di sana malimot.
Huwag mo sanang ibaon,
Lahat ng alaala ng kahapon.Sana'y huwag mong kalimutan,
Kung paano tayo nagmahalan.
Sana'y patuloy mong alagaan,
Ang ating mga pinagsamahan.Hindi kita malilimutan,
Kahit tayo'y hindi na magkita,
Ang ating masayang nakaraan
Ay patuloy kong pahahalagahan.Ika'y naging mabuting kaibigan,
Masayang kasamahan,
Matatag na sandalan,
At masasabi kong maaasahan.
BINABASA MO ANG
100 Tula ng Puso
PoesíaFeeling broken? Feeling tired? Feeling hopeless? Feeling sad? Feeling guilty? Catch all the feels by reading a collection of poems written from deep within my heart. - Nhoxxie P.S. It's not just about love. It's also about life.